Bakit hindi pa nawawala ang pirated VCD at DVD?
November 3, 2002 | 12:00am
Napapansin ko pong nagkalat na sa mga bangketa sa Maynila at maging sa Makati ang mga pirated VCD at DVD. Hindi po ako bumibili nito dahil hindi maganda ang kalidad ng kanilang mga tinda. Kahit na marami ng nire-raid si VRB Chairman Bong Revilla, hindi pa rin mawala-wala ang mga pirated VCD at DVD.
Ano po bang implikasyon nito sa ating gobyerno? VCD at DVD lang ba ang maaaring i-pirate? Aimee Santos, Caloocan City
Madalas na ninyong napapanood sa mga news program ang mga kampanya laban sa piracy, o ang pangongopya ng mga pelikula o musika na ibinebenta sa mababang halaga. Dahil sa piracy, milyun-milyong piso ang nawawala sa mga lehitimong negosyante at pati na rin sa ating gobyerno dahil ang mga ito ay hindi nagbabayad ng buwis.
Pero ang piracy ay hindi lamang limitado sa mga pangongopya ng pelikula o musika. Sa ilalim ng R.A. 8293 o ng Intellectual Property Code of the Philippines, pinoprotektahan ng ating batas ang mga sumusunod laban sa piracy: Copyright and related righs; trademarks and service marks; geographic indications; industrial designs; patents; layout designs (topography) of integrated circuits at protection of undisclosed information.
Higit na pinalakas at binigyan ng ngipin ang batas para masugpo ang problema kaugnay sa pangongopya o piracy. Ipinasa ang Republic Act No. 8293 otherwise known as the Intellectual Property Code upang palakasin ang proteksiyon ng nagmamay-ari ng intellectual properties. Sa buong mundo, isang malaking salot ang mga makabagong pirata dahil sa una, nagnanakaw sila ng gawa na hindi sa kanila. Ikalawa, madalas na ang quality ng kanilang produkto ay lubhang mababa at walang proteksiyon ang mga mamimili laban sa mga depektibong pirated goods. Ikatlo, hindi nagbabayad ang mga pirata ng hustong buwis sa gobyerno dahil nga sa illegal ang kanilang gawain.
May kaukulang pagkabilanggo o multang naghihintay sa mga mapapatunayang lumabag sa Copyright Law.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest