^

PSN Opinyon

Babala sa gumagamit ng sasakyang red plate!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
LALO lang nabubuhay ang aking dugo kapag nakakatanggap ako ng mga pagbabanta at pananakot mula sa mga tinatamaan at nasasagasaan ng kolum kong ’to.

Habang sila’y nanggagalaiti, nabubuwisit at naiinis, lalo lang akong ginaganahan. Para akong bumabalik sa pagiging paslit na natutuwang nakikipaglaro sa isang kuting.

Sige, mabuwisit kayo, ituloy n’yo ang pagbabanta’t pananakot. Sinong ginagago n’yo? Nandito lang ako at walang sawang lalaruin kayo nang todo-todo. Ililibing n’yo pala ako ng buhay ha? Tsk.. tsk.. tsk.. Kailan? Ang tagal naman.
* * *
Hinahamon namin ang lahat na buo ang dibdib at may malasakit sa kanilang komunidad. Maging kabahagi ng aming tri-media investigative team. Nakahanda ang kolum na ’to, ang aming programa sa radyo at maging sa aming surveillance undercover team sa TV, ang "BITAG" sa ABC-5.

Wala kayong dapat gawin kundi ipagbigay-alam ang inyong nalalamang katiwalian, pang-aabuso at kapabayaan ng kinauukulan sa inyong mga kinaroroonan. Kami na ang lalapit sa inyo upang isagawa ang kinakailangang surveillance.

Wala kaming pinipili at hindi kami namimili ng teritoryo. Nakahanda ang aming mga undercover sa tulong ng ating alagad ng batas na isagawa ang entrapment operation kung kinakailangan. Sa ganitong paraan matuldukan ang mga "extortion activities" o pangongotong ninuman.

Hindi kami sulat-sulat lang sa diyaryo, ngawa-ngawa sa radyo o porma -porma lang sa telebisyon. Nandito ang aming grupo at nakahandang isakatuparan ang aming mga pinagsasasabi.

Gaya ng aming naisulat nu’ng unang araw pa lang ng kolum na ’to, husgahan n’yo ang RESULTA ng aming mga gawain. Hindi namin nais maiba, subalit makikita n’yo ang pagkakaiba, kayong mga naiinggit at nanggagalaiti sa amin.
* * *
Babala namin sa mga makakapal ang mukha na naninilbihan sa pamahalaan na naisyuhan ng sasakyang "red plate" na gamit pang-opisyal lamang.

Makinig kayong mga hinayupak na mga nahuli ng aming surveillance camera sa TV. Ilalathala namin sa espasyong ito sa susunod, ang mga plate number na ginamit n’yong pangpersonal sa inyong pang-goodtime sa mga karaoke bars, sauna at KTV.

Regular na bahagi ng segment ng aming TV program sa "BITAG" na suyurin ang mga parking areas ng mga nabanggit na establisimiyento sa mga alanganing oras. Hindi namin babanggitin ang araw ng aming operations. Tapos na ang inyong maliligayang araw. Magbago na kayo mga lintek!

Para sa inyong tips, reklamo’t sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918)9346417 at telepono 932-5310/932-8919.

AMING

BABALA

GAYA

HABANG

HINAHAMON

NAKAHANDA

NANDITO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with