^

PSN Opinyon

'Putok sa buho'

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MARAMI akong napapansin sa baryo. Ang iba ay hindi ko maunawaan. Kagaya na lamang ng isang batang lalaki roon na madalas tinutukso ng kanyang mga kapwa bata. Tinutuksong ‘‘putok sa buho’’ ang bata. Ang ina ng bata nalaman ko ay nasa ibang bansa at doon nagtatrabaho. Naawa ako sa bata dahil sa panunukso.

Nilapitan ko ang mga bata at pinagsabihan na masama ang ganoon. Nag-alisan ang mga batang nanunukso.

Tinanong ko ang bata. ‘‘Nasaktan ka ba?’’

‘‘Hindi,’’ matapang at may paninindigan nitong sagot. Tila hindi na siya apektado dahil nararanasan na niya ito sa pang-araw-araw niyang buhay. ‘‘Wala naman akong ginagawang masama,’’ sabi pa.

‘‘Tama,’’ pagkampi ko sa kanya.

Ang hindi ko inaasahan ay nang sabihin pa ng bata, ‘‘Hindi ako nahihiya na ‘‘putok ako sa buho’’, dahil hindi ko naman kasalanan ang lahat. Isinilang ako sa mundo dahil iyon ang gusto ng Diyos.’’

Humanga ako sa bata at nahuhulaan ko na matalino siya. Tiyak na magiging sikat sa baryo pagdating ng araw.

BATA

DIYOS

HUMANGA

ISINILANG

KAGAYA

NAAWA

NASAKTAN

NILAPITAN

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with