^

PSN Opinyon

Editoryal - No.11 ang RP sa pagiging corrupt

-
ANG corruption sa Pilipinas ay marami nang nakaaalam hindi lang mga Pinoy. Hindi ba’t maski ang US ambassador na si Frank Ricciardoni ay alam ang talamak na katiwalian dito at maski ang Judiciary ay kanyang binanggit na napapalibutan na rin ng mga corrupt. Ang grabeng katiwalian, anang ambassador, ay problemang inirereklamo ng mga dayuhang investors sa kanya. Natatakot na silang mag-invest dito. Ang deretsahang paghahayag ng US ambassador tungkol sa katiwalian ay tinuligsa ng mga mambabatas. Dapat daw ideklarang persona non-grata ang ambassador. Hindi raw dapat nagsalita si Ricciardoni ng ganoon.

Natatakot ba sa katotohanan ang mga mambabatas at hindi matanggap na "maraming buwaya" sa lipunan o ayaw lamang idilat ang kanilang mga mata.

At ano naman kaya ang masasabi nila ngayong lumabas ang survey ng Transparency International, isang global coalition laban sa corruption na ang Pilipinas ay pang-11 sa 102 bansang corrupt. Sinabi ng Transparency International na ang Pilipinas na may 80 milyong populasyon ay notorius sa malawakang scams. Ginagawa ito ng mga public officials at maski ng mga nasa private companies.

Kapantay ng Pilipinas sa pagiging corrupt ang Pakistan, Romania at Zambia. Ang pinaka-corrupt na bansa ay ang Bangladesh samantalang ang Finland ang most corruption-free.

Ang corruption ay matagal nang nasa bansang ito. Mula pa noon ay kasa-kasama na ng mga Pinoy. Sa bawat ahensiya ng pamahalaan ay nakadaklot ang corruption at hindi lalakad ang papeles o dokumento kapag walang "lagay". Kailangan ang pampadulas. Nakasanayan na ng mga Pinoy ang corruption. Bahagi na ng buhay. Kung tutuusin ang mamamayan na rin ang nag-alaga sa mga corrupt. Kinunsinti.

Ilan sa mga ahensiyang laganap ang katiwalian ay ang BIR, Customs, DPWH, PNP, DepEd at iba pa. Kahit na nagbanta si President Gloria Macapagal-Arroyo laban sa mga gumagawa ng katiwalian, wala ring epekto. Lalo pa ngang dumami ang mga "gutom na buwaya". Nagpapakabusog sila at ang kawawa ay ang taumbayan.

Kung ang mamamayan ang dahilan kaya may mga corrupt, sila rin ang pupuksa sa mga ito. Isumbong ang mga gumagawa ng katiwalian. Huwag hayaang makapangyari ang mga pagnanakaw. Putulan sila ng sungay.

BAHAGI

CORRUPT

FRANK RICCIARDONI

NATATAKOT

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TRANSPARENCY INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with