^

PSN Opinyon

Bus sinunog, pasahero pinatay

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAKATANGGAP ng impormasyon mula sa pulisya ang isang bus company sa Mindanao sa planong pagsunog ng mga Maranao sa lima nilang mga bus. Namatay kasi ang dalawa nilang kapwa Maranao sa banggaan ng isang jeepney at ng nasabing bus ng kompanya. Balak ipaghiganti ang kanilang kasamahan.

Makalipas ang apat na araw, tatlong armadong Maranao na nagpanggap na mga pasahero ang sumakay sa bus. Makaraan ang ilang sandali, binaril ng mga Maranao ang driver at nagsimulang buhusan ng gasolina ang bus habang nakatutok ang kanilang baril sa mga pasahero. Maya-maya pa, pinalabas ng lider ng grupo ang mga pasahero sa bus. Si Atty. Candido, isa sa mga pasahero ay nagtago sa damuhan. Bumalik sa bus si Atty. Candido upang kunin ang kanyang gamit at nang makita niyang binubuhusan ng gasolina ang nakalugmok na katawan ng driver, nakiusap siyang huwag na lang ituloy ito dahil kawawa naman ang pamilya ng maiiwan ng driver. Habang nagtatalo si Atty. Candido at ang Maranao, nagkaroon ng malay ang driver at palihim na tumakas. Mayamaya pa ay nakarinig sila ng mga putok. Binaril si Atty. Candido. Sinunog na ang bus.

Nakuha ang katawan ni Atty. Candido pero namatay din ito bago pa nakarating sa ospital.

Nagsampa ng kaso si Aurea, ang biyuda ni Atty. Candido kasama ang tatlo nilang anak laban sa bus company dahil lumabag ito sa kontrata ng sasakyang pampubliko at para sa bayad pinsala. Dinismis ng mababang hukuman ang reklmao sa dahilang (1) Hindi nagpabaya ang kompanya at walang batas na nag-uutos na maglagay ng mga guwardiya sa bawat bus. Ito ay tungkulin ng gobyerno at hindi sa kanila; (2) Ang pag-agaw sa bus, pagpatay at pagsunog dito ay kaso ng hindi inaakalang pangyayari. (3) Ang pagkamatay ni Atty. Candido ay hindi inaasahan at wala sa kontrol ng kompanya. Tama ba ang mababang hukuman?

Mali.
Una, walang ginawa ang kompanya upang mabigyan ng proteksiyon ang kanilang mga pasahero kahit na natanggap nila ang bantang pagsunog sa kanilang mga bus. Kahit na simpleng pagsusuri sa mga bagahe at pagkapkap sa mga pasahero bago sumakay sa bus ay hindi nila nagawa.

Ikalawa, ang pag-agaw sa bus ay hindi inaakalang pangyayari. May sapat na impormasyon ang kompanya mula sa pulisya sa bantang pagsunog subalit wala silang ginawang hakbangin para maiwasan ito, kaya may pananagutan na rin ang kompanya.

Ikatlo, kahit na sabihing ang galit ng mga Maranao ay sa sa kompanya at sa mga empleado nito at hindi sa mga pasahero, namatay pa rin si Atty. Candido sa tangkang ipagtanggol ang driver ng kompanya dahil nakiusap siyang huwag na lang sunugin ang driver ng kompanya.

Samakatuwid, kailangang bayaran ng kompanya ang mga naulila ni Atty. Candido. (Fortune Express, Inc. vs. Court of Appeals G.R. NO. 119766, March 18, 1999)

ATTY

BUS

CANDIDO

COURT OF APPEALS G

FORTUNE EXPRESS

KOMPANYA

PASAHERO

SI ATTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with