Buksan ang mga mata
October 21, 2002 | 12:00am
MAHIRAP lamang ang batang si Ryan. Nakatira sila sa iskuwater. Marami siyang pangarap. Isa sa mga pinaka-papangarap niya ay ang makapunta sa Enchanted Kingdom. Maganda raw doon naririnig niya sa mga kaklase niya.
"Inay punta tayo sa Enchanted Kingdom..."
Subalit tinapat siya ng kanyang ina. "Wala tayong pera. Ang kinikita ko sa pagtitinda ng sigarilyo ay kulang pa sa pagkain natin."
Masamang-masama ang loob ni Ryan. Kailan kaya siya makapupunta sa Enchanted Kingdom?
Isang araw habang papasok sa paaralan ay tumambay muna siya sa may tulay. Maaga pa naman. Tumunghay siya sa maruming ilog na puno ng basura. Maitim ang tubig. Sa kanyang pagmumuni-muni hindi maitago ang lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang nakakasawa na niyang paligid. Sawang-sawa na ako sa marumi at mabahong lugar na ito, sabi sa sarili. Kailan kaya ako makaaalis dito?
Maya-maya, isang Chedeng ang tumigil sa tapat niya. Takang-taka si Ryan. Sino ba namang matinong mayaman ang mag-aaksaya ng panahon sa kanilang lugar na mabaho.
May bumabang batang lalaki na nakabaston, nakasalaming de-kulay at halos kasing edad din niya. May kasama itong yaya. Naku senyorito Randy ano ba ang gagawin natin dito? Ang baho-baho po rito! Tena pong umuwi at baka kayo ay magkasakit at mapagalitan ako ng mommy mo, sabi ng yaya. Ngunit tumanggi si Randy. Gusto ko rito, Yaya, sabi.
Noon lumapit si Ryan Excuse me alam mo sa palagay ko tama ang yaya mo, wala ka namang makikitang maganda rito e."
Sinagot siya ni Randy Huwag mong intindihin ang mga pangit na nakikita ng iyong mga mata. Wag kang magbulag-bulagan sapagkat ang akala mong mga pinakasimpleng bagay na hindi mo pinapansin ang siya palang pinakamagandang bagay na maaaring makita ng yong mga mata. Naiinggit ako sayo, sapagkat ang lahat ay nakikita mo. Yan ang mga bagay na ipinagkait sa akin.
Napatawa si Ryan. Napaka-talinghaga mo namang magsalita. Ano ba ang kaiinggitan mo sa akin. Nasa iyo na ang lahat. Marahil ang lahat ng lugar na nais mong mapuntahan ay nararating mo. Ano pa ang mahihiling mo?
Napabuntong-hininga si Randy. Ryan, mayaman nga ako, at nakukuha ko ang lahat, pero ang paningin ay hindi isang materyal na bagay. Kahit ang pera na aking pag-aari ay hindi na maaaring maibalik pa ang aking nawalang paningin. Hindi lahat ay nabibili. Bulag ako."
Nagulat si Ryan. Bulag pala si Randy. Mas mapalad nga siya sapagkat nakikita ang kagandahan ng mundo. May natutunan siyang leksiyon kay Randy. Naririnig niya ang sinabi ni Randy. Mapalad ka Ryan, buksan mo ang iyong mga mata. Naisip ni Ryan, magsisikap siya para umasenso ang buhay. Mag-aaral siyang mabuti para magkaroon ng magandang trabaho at para hindi na magtatrabaho ang kanyang ina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest