^

PSN Opinyon

SPO4 Palatao at Pura: Mga operator ng video karera sa Pasay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PATULOY pa rin ang pagiging bagman ni Maj. Ronnie Olay, ang hepe ng CIDG Field Office South, ang kaibigan nating si SPO4 Art Cabatic pero sa ngayon ay nakatago na siya. Ibig sabihin gumamit na ng ibang tao itong si Cabatic para maitago ang pangalan niya pero walang baho na hindi naaamoy, di ba mga suki? At siyempre, kung maligaya si Cabatic, eh ganoon na rin ang kanyang among si Olay.

Sinabi ng mga pulis na aking nakausap na ang ginagamit sa ngayon ni Cabatic para mangolekta sa mga establisimiyento tulad ng putahan o beerhouses at mga pasugalan sa southern Metro Manila ay ang isang SPO4 Leo Palatao. Si Palatao ang pumalit sa isang nagngangalang Patrick. He-he-he! Wala ring pagbabago, di ba mga suki?

Ang problema lang, ito palang si Palatao eh operator din pala ng video karera machines sa Pasay City. Ayon sa mga pulis na nakausap ko may apat na makinang nakalatag si Palatao sa Estrella St., at dalawa pa sa Salud St.

Kaya pala hindi maipasara ni Mayor Pewee Trinidad itong mga video karera sa Pasay City eh mga pulis pala ang operator ng mga ito. Kung sabagay hindi lang si Palatao ang may nakalatag na makina sa siyudad ni Trinidad kundi maging si Pura na pulis-Pasay din ay may mga puwesto pa sa bahay ng kanyang biyenan na isang barangay chairman sa M. dela Cruz. Dalawa sa makina ni Pura ay sa harap ng bahay na may bantay pang aso samantalang ang isa pa ay nasa likod naman at sa gabi lang kung binubuksan. Isara mo na iyan chairman Eto.

Sa likod ng bahay ng isang Lito Ibay sa Rodriguez ay nakalatag din ang isang makina ni Pura. Maraming beses ko nang ibinulgar itong makina ni Pura sa Pasay kaya’t napilitan din naman siyang magsara ng mga delanterang puwesto. Kaya ang natitira na lamang ay ’yaong nakatago, di ba chairman Eto Sir?

Bakit kaya walang political will itong si Mayor Trinidad na ipasara nga ang mga video karera sa siyudad niya? Dahil kaya sa nakikinabang din ang kanyang kapatid na si Sonny? Itanong mo yan ke PO3 Bernie Miranda ng SWAT ng pulisya dahil siya ang ginawang taga-kolekta ng City Hall detachment, Mayor Trinidad Sir.

Ang ipinagtataka ko, nagsagawa rin ng malawakang raid kamakailan sa Pasay City itong Task Force Jericho ni Interior Secretary Joey Lina at maraming makina nga ni Pura ang kanilang nakumpiska. Ang masamang balita lang Secretary Lina Sir, ibinalik ng mga tauhan mo ang makina ni Pura maliban sa isang piraso na ginawang ebidensiya. He-he-he! Magkano kaya?

vuukle comment

ART CABATIC

BERNIE MIRANDA

CABATIC

CITY HALL

ESTRELLA ST.

ETO SIR

PALATAO

PASAY CITY

PURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with