^

PSN Opinyon

Editoryal - Maraming naghihirap at nababagabag

-
ANG kahirapan ng buhay sa kasalukuyan ay hindi na maitatago. Maraming umaangal sa nagtataasang bilihin na pinalubha nang walang tigil na pagtaas ng gasolina at patuloy na pagbagsak ng piso. Nakaamba sa taumbayan ang pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa purchased power adjustment (PPA). Nakaamba rin ang pagtaas ng singil sa tubig at nakalatag na rin ang pagtataas ng P1 pamasahe sa mga pampasaherong dyipni. Masyadong mahal ang gamot sa mga botika. Taliwas ito sa naka-anunsiyo sa tv na makabibili na ang taumbayan ng murang gamot.

Habang marami ang naghihirap at hindi malaman kung paano hihigpitan ang sinturon sa pagtitipid, marami naman ang nababagabag dahil sa sunud-sunod na pambobomba na marami na ang nalalagas ng buhay. Ang pagsabog sa Zamboanga City kamakalawa na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng 150 ay isang patunay na nakaharap sa mabigat na problema ang bansa. Magkasabay na humahaplit ang pagdarahop at ang takot na baka gumapang nang gumapang ang terorismo at marami pa ang masayang na buhay.

Marami ang bumabatikos sa pamahalaan sa kawalan ng kakayahang maproteksiyunan ang mamamayan laban sa mga naghahasik ng karahasan. Bakit malayang nakapagtanim ng bomba ang mga terorista na hindi natunugan ng military at Philippine National Police? Masyadong naging relax ang mga awtoridad at hindi naging alerto gayong naging sunud-sunod na ang pagyanig ng bomba sa iba’t ibang lugar.

Noong Oct. 2, 2002, isang bomba ang sumabog sa isang bar sa Bgy. Malagutay na ikinamatay ng isang US serviceman at dalawang Pinoy. Noong Oct. 10, isang bomba muli ang sumabog sa Kidapawan City, Cotabato na ikinamatay ng anim na tao. Kamakalawa nga ay dalawang bomba ang sumabog sa isang shopping center sa Zamboanga City.

Marami ang nababagabag habang naghihikahos. Pero ang mga ito’y tila hindi nakaaantig sa mga nasa puwesto at walang inaasikaso kundi ang pagpalaot nila sa pulitika. Pinaghahandaan ang eleksiyon sa 2004. Para sa kanilang sariling interes muna at saka na ang masa. Marami ang nadaya.

BAKIT

BGY

KIDAPAWAN CITY

MARAMI

MASYADONG

NAKAAMBA

NOONG OCT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with