Atty. Manuel Sison: 'You can run but you can't hide'
October 16, 2002 | 12:00am
UNANG labas pa lang ng kolum na to nung Lunes, agad umaray ang ilan sa mga tinamaan ng aking mga naisulat. Matagal ko nang alam na ako yung taong kanilang isinusuka.
Hindi ako nagmamalinis. Diretso lang ang aking lengguwahe. Wala akong pakialam kung hindi nila magugustuhan ang aking estilo. Ang mahalaga ay ang pawang katotohanan lamang.
Mensahe ko sa lahat, husgahan nyo ang kolum na to sa resulta ng aking mga gawain. Bibigyan ko ng diin, ang salitang GAWA hindi NGAWA.
Nahuli ng aming surveillance camera ang kadupangan ng U-BELT APARTELLE. Nag-ooperate ito bilang motel sa university belt ng Maynila. Mapapanood nyo ito sa BITAG, isang undercover investigative TV program, ngayong darating na Sabado sa ABC-5, alas-5:00 hanggang alas-5:30 ng hapon.
Nabitag sa aming hidden camera ang pagpapapasok ng hayupak na pamunuan ng motel na to sa mga menor de edad. Agad umaksiyon ang Manila Business Permit and Promotions (MBPP) na ipasara ang nasabing motel matapos nilang mapanood ang aming surveillance video.
Nasa kay Secretary to the Mayor na si Atty. Manuel Sison ang problema. Gustong subukan ang uri ng kamandag ng aming TV at radio program.
Naghanap ng padrino itong gago. Sinubukan naman makialam nitong taong nagngangalang si Cabangon. Tsk.. tsk.. tsk. Kabaro kasi nitong si Cabangon si Wyden King ang nagmamay-ari ng U-belt Apartelle sa ilalim ng Wise Motel Group of Companies.
Atty. Sison makinig ka! You can run but you cant hide. Kahit na magtago ka sa karsunsilyo ng inyong mga wais na padrino hindi ka namin titigilan. Malas mo kami ang nakatapat mo.
Mahigit 60 text messages at sampung telephone calls ang aming mga natanggap sa unang araw ng kolum na to nung Lunes. Tinatrabaho na ng aming investigative team na binubuo ng pitong segment producers at researchers kabilang na ang inyong lingkod. Maraming salamat sa patuloy nyong pagtitiwala.
Hindi ako nagmamalinis. Diretso lang ang aking lengguwahe. Wala akong pakialam kung hindi nila magugustuhan ang aking estilo. Ang mahalaga ay ang pawang katotohanan lamang.
Mensahe ko sa lahat, husgahan nyo ang kolum na to sa resulta ng aking mga gawain. Bibigyan ko ng diin, ang salitang GAWA hindi NGAWA.
Nabitag sa aming hidden camera ang pagpapapasok ng hayupak na pamunuan ng motel na to sa mga menor de edad. Agad umaksiyon ang Manila Business Permit and Promotions (MBPP) na ipasara ang nasabing motel matapos nilang mapanood ang aming surveillance video.
Nasa kay Secretary to the Mayor na si Atty. Manuel Sison ang problema. Gustong subukan ang uri ng kamandag ng aming TV at radio program.
Naghanap ng padrino itong gago. Sinubukan naman makialam nitong taong nagngangalang si Cabangon. Tsk.. tsk.. tsk. Kabaro kasi nitong si Cabangon si Wyden King ang nagmamay-ari ng U-belt Apartelle sa ilalim ng Wise Motel Group of Companies.
Atty. Sison makinig ka! You can run but you cant hide. Kahit na magtago ka sa karsunsilyo ng inyong mga wais na padrino hindi ka namin titigilan. Malas mo kami ang nakatapat mo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended