^

PSN Opinyon

Laging "good" ang "old days"

- Al G. Pedroche -
NATATANDAAN ko pa nang ang pandesal ay dalawa singko. Grade four ako. Kapag recess, meryenda’y pan de coco na tigsi-singko atCosmos orange o sarsaparilla na singko rin sambote.

Pasahe ay diyes sentimos sa jeepney. Ang flag down ng taxi ay kinse sentimos at singko bawat patak ng metro. Sa kabila nito ang nanay ko’y madalas magreklamo sa taas ng presyo.

Noong bata pa raw siya, sa kinse sentimos ay makabibili na ng sang-kaing na saging. Bumili ka ng samperang suka sa tindahan at may dagdag pang kamatis, sibuyas at bawang.

Nakamulatan ko na ang halaga ng US dollar ay dalawang piso. Nang una akong magtrabaho noong taong 1970, ang starting ko’y P250 sambuwan. Kada linggo’y tumatanggap ako ng P60.

Tuwing suweldo, magko-kontribusyon kaming magkakabarkada sa opisina ng tig-lilimang piso. Bibili ng sang-case na beer at sardinas o corned beef na pulutan. Ayos na. Lasing na kami at happy pagkatapos.

Sa isang government radio station ako nagsimula. "Pinirata" ng big-boss naming si Greg Cendaña ang isang bigating brodkaster, ang yumaong si Joe Cantada para maging production manager. Ang suweldo ay fantastic P800 a month!

Masarap gunitain ang nakalipas. Laging "the best".

Panay ang reklamo natin ngayon. Kesyo tumataas ang presyo ng lahat: Kuryente, gasolina, pasahe, pandesal, matrikula, etcetera. Nagrereklamo tayo sa kakarampot na sahod.

Pero isang bagay ang tiyak ko. Matapos ang dalawampu o higit pang taon, babalik-tanawin natin ang panahong ito. Mapapabuntunghininga sa alaalang ang halaga ng mga bilihin ay napakamura. Magrereklamo tayo sa minimum wage na isang milyong piso sambuwan dahil ang halaga ng isang sakong bigas ay dalawang daang libong piso, ang halaga ng pamasahe ay isang libong piso at ang mga pulubing lalapit sa iyo’t manghihingi’y ma-iinsulto sa iaabot mong isangdaang pisong barya.

AYOS

BIBILI

BUMILI

GREG CENDA

ISANG

JOE CANTADA

KADA

KAPAG

KESYO

KURYENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with