^

PSN Opinyon

Tuloy ang jueteng sa Lucena City

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
"Wlang jueteng. Wlang bolahan ntakot yta s raid’’ ito ang text message ng mga kuwago ng ORA MISMO sa aking cell phone. Dakong 1:28 ng hapon noong Sabado nang ipaalam nila ito sa akin.

Kinabukasan, Linggo dakong 8:46 ng umaga nang i-text sa atin ng mga kuwago ng ORA MISMO mula Lucena City ang mga tumamang kumbinasyon ng jueteng sa ginawang apat na beses na dayaang-bolahan sa isang lugar sa Barangay Cotta at isang alyas Aling Norma ang nagsilbing kabo raw. Ang mga tumamang nemero ay 32-2; 11-30; 10-4 at 19-27. Lucena City Mayor Talaga, talagang hindi mo ba alam ang illegal gambling game diyan sa lugar mo?

DILG Secretary Joey Lina, for your info, tuloy ang jueteng sa teritoryo ni Mayor Talaga. Pero batid ng mga kuwago ng ORA MISMO na talaga yatang walang alam dito si Mayor?

Ano kaya ang masasabi ng ask force este mali ang Task Force Jericho ng DILG mukhang masusubukan ang galing nito sa Lucena City. Tingnan ko kung mapapahinto nila ang jueteng dito?

Siguradong magagalit si CALABARZON bossing PNP-Chief Supt. Ike Galang kapag nalaman niya ang dayaan-bolahan na natuloy noong Sabado. Binigyan ng advance information ng mga kuwago ng ORA MISMO sa pamamagitan ng Pilipino Star NGAYON na resume ang jueteng operations sa Lucena City.

Ano ang ginawa ng kapulisan sa nasabing lugar? Wala porke tuloy ang ligaya sa illegal gambling game.

‘‘Mukhang nagkaroon ng magandang lagayan este mali usapan pala ang mga kurap na pulis diyan’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Alam mo naman basta may pitsa okey lang sila’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano sa palagay mo matitigil kaya ang jueteng sa Lucena City?’’ tanong ng kuwagong sepulturerong naghahanap ng nawawalang pustiso.

‘‘Si Mayor Talaga lang ang talagang makakapagpahinto ng illegal sa kanyang teritoryo.’’

‘‘Paano kung ayaw?’’

‘‘Iyan ang problema nila."

ALING NORMA

ANO

BARANGAY COTTA

CHIEF SUPT

IKE GALANG

LUCENA CITY

LUCENA CITY MAYOR TALAGA

MAYOR TALAGA

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with