Kaso ng pinatay na pari
October 8, 2002 | 12:00am
SI Felipe at ang pamangkin niyang si Manolo ay mga miyembro ng isang sekta ng relihiyon. Malaki ang pagkamuhi ng sektang ito sa kura paroko ng kanilang bayan na si Fr. Balinas dahil sa alitan sa lupa.
Isang hapon, tumawag si Felipe ng pulong ng sekta nila at doon ay pinag-usapan kung paano papatayin si Fr. Balinas. Napili si Manolo na papatay kay Fr. Balinas. Hinimok ni Felipe si Manolo na patayin si Fr. Balinas. Bilang kapalit, sinabi ni Felipe na patatawarin na niya ang pagkakautang ni Manolo. Unay ayaw pumayag ni Manolo ngunit nang siniguro ni Felipe na ako ang bahala sa iyo," pumayag na rin si Manolo.
Isang gabi, mga alas-8, habang pauwi si Fr. Balinas mula sa bahay ng isang kaibigan nang tagain siya sa ulo. Nakaakyat pa ang pari sa kumbento upang humingi ng tulong. Kinabukasan ay namatay din ang pari.
Pagkaraan ng imbestigasyon napatunayang si Manolo nga ang tumaga sa pari, sa utos ni Felipe. Kaya isinakdal ang mag-tiyo ng murder. Ayon sa taga-usig ang pagkakasala ng dalawa ay murder dahil ito ay may sirkumstansiyang pataksil. Para kay Manolo naka-grabe pa ang pagkakasala niya dahil sa sirkumstansiyang lantad na pagbabalak at pangakong gantimpala. Para kay Felipe naman, murder din ang sala niya dahil itoy pinaghandaan niya (evident premeditation). Ang sirkumstansiyang paghimok kay Manolo at kataksilan ay nakagrabe pa sa kanyang pagkakasala. Tama ba ang taga-usig?
Tama ang taga-usig na murder nga ang pagkakasala ng dalawa. Murder ang sala ni Manolo dahil pataksil ang pagpatay niya sa pari. Ngunit ang sirkumstansiyang itoy hindi maaaring gamitin laban kay Felipe upang maging grabe ang kanyang parusa dahil wala naman siyang kinalaman sa pamamaraan ng pagpatay. Inutusan lamang niya si Manolo na patayin ang pari. Kung paano gagawin ito, wala siyang sinabi kay Manolo. Gayon pa man murder din ang sala ni Felipe dahil sa sirkumstansiyang lantarang pagbabalak at paghahanda. Murder ang sala ng dalawa dahil sa magkaibang sirkumstansiya. (US vs. Gumao 23 Phil. 83)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended