Alam mo Doktor, may tatlo akong pangarap. Una, gusto kong lumaganap ang aking apelyido. Nagawa ko iyon sa pamamagitan ng anak kong lalaki. Marami akong apo. Ikalawa, pangarap kong makatapos ng kolehiyo ang aking mga anak. Natupad iyon.
Tumigil siya upang siguruhin kung akoy nakikinig pa.
Ang ikatlo, mong pangarap Tata Poloniong?
Hindi pa natutupad Doktor. Gusto ko sana bago ako mamatay ay matupad iyon.
Ano ba yon?
Pangarap ko na makita kang isang mataas na opisyal ng gobyerno.
Nagulat ako, Bakit pa? Hindi naman ako kailangan doon, sabi ko. Pakipaliwanag mo kung bakit.
Simple lang, gusto kong maranasang maglakad patungo sa iyong tanggapan at diretso mong tatanggapin na hindi dumaraan sa kung anu-anong proseso at mga taong kakausapin. Bibigyan kita ng halimbawa. Noong makipagkita ako sa tesorero sa kapitolyo, dumaan ako sa apat na guwardiya at pinigil ng dalawang bastos na sekretarya. Alam mo kung sinong nakausap ko? Ang Assistant treasurer na sinabihan akong huwag nang makipagkita sa tesorero at marami itong ginagawa.
Seryoso si Tata Poloniong nang muling magsalita.
Ang masakit ay nang mapansin ko na may isang lalaking naka-amerikana na dumating at agad na pinapasok sa opisina ng tesorero nang walang tanong at abala. Iyan ang dahilan kung bakit pangarap kong maging isang opisyal ka ng gobyerno.
Apat na taon ang lumipas at namatay si Tata Poloniong. Sayang kung buhay sana siya ay natikman niya ang pangatlong pangarap gaya ng pagpasok niya sa aking opisina ngayong ako ay opisyal na ng gobyerno na walang sekretarya, assistant o guwardiya.