^

PSN Opinyon

Mga sakit na dulot ng paninigarilyo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG kalusugan ay kayamanan. Wala nang hihigit pa kung may malusog na pangangatawan. Sa puntong ito, bibigyang-diin ng BANTAY KAPWA ang pinsala sa kalusugan na idinudulot ng paninigarilyo.

Kapag ang isang smoker ay mapalapit sa isang hindi naninigarilyo, ang usok na kanyang ibubuga ay masisinghot din ng hindi naninigarilyo. Ito ang tinatawag na passive o secondary smoker. Ang paninigarilyo ang dahilan ng lung cancer, heart disease, emphysema at bronchitis.

Marami nang namatay sa emphysema na ang nikotina ay sinisira ang paligid ng baga. Nagpapalala rin ang paninigarilyo sa mga may ulcer, sinusitis at iba pang respiratory diseases.

Mapupuna na marami nang mga ospital, restaurant, sinehan, eskuwelahan, opisina at iba pang gusali na "smoke free" na. Sana’y ang patakarang ito ay ipagpatuloy at huwag maging ningas-kugon. Madalas makakita ng "no smoking" sign sa mga bus, dyipni at taksi subalit sa umpisa lang masigasig at balewala na sa paglipas ng mga araw.

KAPAG

MADALAS

MAPUPUNA

MARAMI

NAGPAPALALA

SANA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with