^

PSN Opinyon

Sekyu hindi pinautang ng perang pang-inom, namaril

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SECURITY guard na hindi pinautang binaril ang inuutangan. Ito ang mapait na karanasan ni Beltran Almonte, liason officer ng Medical Dental Test Center Inc. na may tanggapan sa 3rd floor, Dallcon II Bldg., 164 Aurora Boulevard, San Juan, Metro Manila.

Ayon kay Beltran siya ay binaril sa batok ni Robert Hechona, security guard ng Blue Marine Security Agency nang siya ay tumangging pautangin ng pera na pang-inom.

Ang kapal din naman ng mukha nitong si Roberto Hechona ano mga suki? Matapos na barilin itong si Beltran ay tumakas na lamang at nawala na parang bula.

At maging ang ahensiya na pinaglilingkuran ni Hechona ay walang awang pinangakuan na lamang ang biktima. At hindi man lamang tumulong sa biktima na mabayaran ang gastusin sa hospital o makapagbigay alam sa pinagtataguan ng suspek.

Ganito na ba talaga ang ating mga ahensiya ng mga security? Hindi ba’t ang responsibilidad ng security guard ay ‘‘to protect life and properties’’ eh bakit itong si Hechona namaril ng isang tao at tinakasan pa?

Para sa kaalaman n’yo mga suki, ito palang Blue Marine Security Agency at may tanggapan sa Blk. 5 Lot-5 Castañas St., Phase IV-B Gate 2, Cogeo, Antipolo City na pinamumunuan ni Ramon Tumaob.

Ito palang si Tumaob ay walang isang salita, kasi nga mga suki, nangako siya sa magulang ng biktima na kanilang sasagutin ang gastusin sa ospital.

Kinabukasan sila ay pinapunta ni Tumaob sa isang restaurant sa Caloocan City sa halip sa opisina nito ang kanilang pormal na pag-uusap. He-he-he! Talagang may itinatagong baho itong Blue Marine Security.

Ipinagmamalaki pa ni Tumaob na sila ay malakas sa Camp Crame kaya’t hindi sila natatakot sa anumang reklamo laban sa kanilang ahensiya.

Kaya naman pala dumarami ang mga asunto ng mga guwardiya dahil siguro sa mga katulad nitong mga kompanya na hindi na marahil idinadaan sa tamang proseso bago nila kunin na maging guwardiya.

Oy! Mr. Tumaob tuparin n’yo ang pangako ninyong tulong kay Beltran para naman maoperahan na ito. Sa kasalukuyan ay naka-baon pa rin ang bala sa kanyang pisngi.

At itong ugok na si Roberto Hechona kahit saan ka man magtago matutukoy ka rin ng ating pulisya. Sa mga suki, kung sinuman sa inyo ang nakakakilala kay Hechona maaaring ipagbigay alam sa ating pulisya.

ANTIPOLO CITY

AURORA BOULEVARD

B GATE

BELTRAN

BELTRAN ALMONTE

BLUE MARINE SECURITY AGENCY

HECHONA

ROBERTO HECHONA

TUMAOB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with