Gustong mag-housing loan sa Pag-IBIG

Dear Secretary Mike Defensor,

Gusto kong humingi ng paglilinaw tungkol sa Expanded Housing Loan ng Pag-IBIG. Ako ay tatlong taon nang miyembro ng Pag-IBIG. Luma na ang aming bahay at sira-sira na ang mga parte nito. Gusto ko sanang ipaayos ito ngunit wala akong sapat na pera na pampaayos. Ang aking mga magulang ay walang trabaho at ako lamang sa tatlong magkakapatid ang may regular na kita.

Maaari ba akong mangutang sa Pag-IBIG? Magkano ang interes at gaano katagal ko ito babayaran? – Rosita Marquez


Maaari kang umutang sa ilalim ng Expanded Housing Program ng Pag-IBIG para sa pagpapagawa ng inyong bahay. Ito rin ay maaaring gamitin sa pagpapatayo ng bahay o lote lamang, pambili ng lote at pagpapatayo ng bahay at pambili ng bahay. Kung ikaw ay aktibong miyembro ng Pag-IBIG ng 24 buwan at walang pagkakautang o kaya hindi ka naging co-borrower, maaari kang umutang. Ang halaga ng iyong mauutang ay base na rin sa iyong suweldo at kakayahang magbayad. Ang interes ay depende sa halaga ng uutangin, maglalaro ito mula 9 percent, 12 percent at 16 percent bawat taon.

Para sa karagdagang impormasyon, padadalhan kita ng primer tungkol sa Expanded Housing Loan. Nakasaad din dito ang mga hakbang sa pag-aapply ng EHL. Hinihikayat din kitang magtungo sa Pag-IBIG Branch upang personal mong marinig ang mga kasagutan ng iba mo pang katanungan. Nakahanda ang mg empleyado ng Pag-IBIG na tumulong at magbigay ng paliwanag.
* * *
Para sa mga katanungan, ipadala ang inyong mga liham sa Office of the Chairman, HUDCC 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Pakilagay lamang kung gusto ninyong ilathala ang inyong mga sulat sa column na ito.

Show comments