^

PSN Opinyon

Oktubre 5: Resume ng jueteng sa Lucena City

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PALAKPAKANG umaatikabo ang pasalubong ng mga kamoteng sugarol sa Lucena City nang mabalitaan nilang bubuksang muli ang jueteng nina Amato at Boy Argumento sa Sabado (Oct. 5) porke may nagbaba raw ng basbas mula sa langit para buksang muli ito?

May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na pinagbigyan lamang umano ng mga kamoteng kapulisan sa Lucena City si Region 4 Director Chief Supt. Ike Galang para patigilin ang nasabing dayaan-bolahan ng halos dalawang linggo. DILG Secretary Joey Lina, your Honor.

Busy kasi ang kapulisan ng Region 4 sa pagsuyod sa mga NPA’s porke natumba kasi ang dalawang pulis sa Lopez, Quezon na hindi man lamang binigyan ng magandang laban. Ika nga pa-traidor nang itumba ito?

Nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO sa mga pamilya ng dalawang pulis na napatay.

Naka-focus ang ilang matitinong pulis sa kanilang mga kalaban samantala ang ilang kurap ay naka-focus naman sa jueteng operations? Ika nga nagbibilang ng kikitain sa kanilang intelihensyang makukuha.

Kambyo isyu, inginuso naman sa mga kuwago ng ORA MISMO sina Danny Itlog, ang namamayagpag sa Cavite City at Imus porke ito ngayon ang bida pagdating sa usapang juetengan, si Ebeng ng Carmona, kapitan pa ng Dasmariñas at isang Joe Combat. Sila raw ang mga guerilla ngayon sa Cavite.

Napatigil daw ni Ike si supsupin este mali si Cupcupin sa operasyon nito sa jueteng pero babalik daw ito sa kanyang secret operation kapag nagbigay ng basbas ang amo nitong asawa ng isang senador? Ike, lagot ka!

"Ang tindi pala sa Lucena City, hindi ba alam ni Mayor Talaga ang mga nangyayari diyan lalo’t pagdating sa illegal gambling game?" tanong ng kuwagong manghuhuthot.

"Talaga bang walang alam si Mayor Talaga sa operasyong ito?" pailing na tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Busy kasi si Mayor Talaga sa pag-atupag sa kaso niya sa Sandiganbayan."

"Paano iyan?"

"Iyan ang hindi ko alam talaga," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Eh, si Mayor Ayong Maliksi ano kaya ang masasabi?"

"Iyan ang itanong natin sa kanya, kamote."

vuukle comment

BOY ARGUMENTO

CAVITE CITY

DANNY ITLOG

DIRECTOR CHIEF SUPT

IKA

IKE GALANG

LUCENA CITY

MAYOR TALAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with