Pekeng bentahan
October 1, 2002 | 12:00am
MAY kaugalian ang mga Pilipinong-Intsik na ipangalan ang ari-arian pabor sa anak na lalaki, kahit itoy hindi pa isinisilang. Tulad nang nangyari sa kasong ito.
Ang kaso ay tungkol sa lupa at gusaling may sukat na 620 square meters na isinalin ni Purita sa kanyang panganay na anak na si Pablo. Bagamat naisalin na ito sa pangalan ni Pablo, si Purita pa ang namahala at kumukolekta ng renta.
Noong Jan. 4, 1979, ipinagbili ni Pablo ang lupa. Sa nasabing bilihan ang kausap niya ay si Leonila. Ngunit sabi ni Leonila na ipangalan ang dokumento ng bilihan sa isang batang nagngangalang Jacinto Ching, na umanoy pamangkin ni Leonila.
Noong Dec. 2, 1989, pinapirma naman ni Purita si Pablo sa isang dokumento na isinasalin din ang nasabing lupa kay Marita, anak at batang kapatid ni Pablo. Ayon kay Purita, inilaan niya talaga ito para kay Marita.
Samantala, nilapitan uli ni Leonila si Pablo at hiniling nito na pumirma uli sa isang dokumento ng bentahan upang kumpirmahin ang unang dokumentong pinirmahan niya noong Jan. 4, 1979. Kaya noong Jan. 10, 1990 pumirma uli si Pablo sa isang dokumento na ipinagbili niya ang lupa kay Jacinto, pamangkin ni Leonila. Kaya pinatituluhan na ni Leonila ang lupa sa ngalan ni Jacinto. Ngunit ang ginamit niyang dokumento sa pagpapatitulo ay ang unang dokumentong pinirmahan ni Pablo noong Jan. 1979.
Nang malaman ito ni Purita, siniyasat niya kung paano napatituluhan ni Leonila ang lupa sa pangalan ni Jacinto. Nadiskubre niya na si Jacinto ay isinilang lang noong March 1, 1980. Samantalang ang dokumentong bilihan na isinalin dito ang lupa ay pinirmahan ni Pablo noon pang Jan. 4, 1979. Hindi pa pinapanganak si Jacinto noon. Kaya ayon kay Purita, ang bentahan noong Jan. 4, 1979 ay peke at pagkukunwari lang. Tama ba si Purita?
Tama. Ang bentahan noong Jan. 9, 1979 ay walang bisa dahil si Jacinto na umanoy bumili ng lupa ay hindi pa isinisilang o pinaglilihi man lang noon. Kaya wala pang legal na personalidad si Jacinto noon upang bumili ng lupa.
Ang isang kontrata ay nabubuo matapos sumang-ayon dito ang mga partido. Ang mga menor de edad, baliw, pipi at bingi, lalo na ang hindi pa isinisilang ay walang kakayahang sumang-ayon sa isang kontrata. Dahil wala ngang balidong pagsang-ayon sa kontrata noong Jan. 4, 1979, ang nasabing kontrata ay walang saysay.
Hindi rin ito napagtibay ng kontratang pinirmahan uli ni Pablo noong Jan. 10, 1990 sa representasyon ni Leonila. Wala namang kapangyarihan ginawad ang Korte kay Leonila upang tumayo bilang kinatawan ni Jacinto. Bukod dito ang kontratang walang bisa tulad ng bintahan noong Jan. 4, 1979 ay hindi puwedeng pagtibayin (Pua etc. vs. Court of Appeals et. al. G.R. No. 134992 November 20, 2002).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest