^

PSN Opinyon

Langis, ang tunay na pakay ni Bush

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG sarap pakinggan sa tenga ng talumpati ni US President George W. Bush. Kailangan daw pasukin ng United Nations ang Iraq at pasukuin si Saddam Hussein sa ngalan ng pandaigdigang katahimikan. Malapit na raw matapos ni Saddam ang ginagawang weapons of mass destruction: Nuclear bombs, kemikal at germs na pamatay ng daan-libong katao. Baka raw ibigay niya ito sa al-Qaida at iba pang terorista.

Pero may isa pang pakay si Bush sa paggiyera sa Iraq. At ito’y para sa ekonomiya ng Amerika. Ang pakay niya ay langis.

Iraq kasi ang pangalawang pinaka-malaking reserba ng langis sa mundo (113 bilyong bariles), kasunod lang ng Saudi Arabia (262 bilyon). Ang pinagsamang reserba ng US, Russia, Venezuela, Indonesia at iba pang bansa sa Middle East ay 500 bilyong bariles. Dahil nilusob ni Saddam ang Kuwait nu’ng 1990, pinaparusahan siya ngayon ng UN. Hindi siya puwedeng magmina’t magbenta basta ng langis. Hanggang 2.4 milyong bariles lang kada araw, at UN pa ang taga-benta.

Samantala, kinokontrol ng Saudi Arabia ang supply at presyo ng langis. Dominado nito ang Organization of Petroleum Exporting Countries. Hanggang 25 milyong bariles lang ang puwedeng i-produce araw-araw, at halos ikaapat (8.8 milyon) ang sagot ng Saudi. Kaya naglalaro ang presyo ng langis sa $24-$26 kada bariles.

Kung mapabagsak ng US si Saddam at mapalitan ng kakampi, mabubuksan uli ang oil wells ng Iraq. Malalabanan nito ang Saudi Arabia sa produksiyon. Babagsak ang presyo ng langis sa $15-$18 kada bariles. Gaganahan muli ang industriya ng US at Japan, na ngayon ay lubog sa recession.

Pero nagsusugal si Bush. Hindi niya tiyak kung gaano tatagal ang giyera, o kung mapapasuko niya si Saddam. Samantala, ayon sa experts, tataas ang presyo ng langis hanggang $100 kada bariles. Aray!
* * *
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

BARILES

HANGGANG

LANGIS

LINAWIN NATIN

MIDDLE EAST

ORGANIZATION OF PETROLEUM EXPORTING COUNTRIES

PERO

PRESIDENT GEORGE W

SADDAM

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with