^

PSN Opinyon

Mga salita at gawa

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ang anumang ating sinasabi ay magiging kaunti ang kabuluhan kapag ang mga ito ay hindi sinamahan ng ating mga gawa. Sinasabi natin na nais nating tulungan ang mga mahihirap, subalit wala naman tayong ginagawa. Sa ngayon, ang ating mga salita ay hungkag.

Ito ang punto sa Ebanghelyo ni San Mateo para sa araw na ito ang talinghaga tungkol sa dalawang anak na lalaki (Mt. 21:28-32).

‘‘Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘‘Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.’’ ‘‘Ayoko po,’’ tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayon din ang kanyang sinabi. ‘‘Opo,’’ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama? ‘‘Ang nakatatanda po,’ sagot nila. Sinabi sa kanila ni Jesus, ‘Sinasabi ko sa inyo: Ang mga publikano at masasamang babae’y nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos. Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.’’


Ang dalawang anak na lalaking ito ay kumakatawan una sa mga makasalanan – yaong mga hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos subalit sa bandang huli ay nagbabago at nagbabalik-loob. Ang pangalawa naman ay ang mga Pariseo. Lantaran nilang ipinapahayag na sila’y sumusunod sa kalooban ng Diyos. Subalit hindi sila nagpabinyag kayJuan Bautista, ni sumunod sa mga turo at aral ni Jesus.

Kung kaya’t hayagang sinabi ni Jesus sa mga Pariseo na sila’y sa hindi makapapasok sa kaharian ng langit. Ngunit ang mga kolektor ng buwis at mga masasamang babae ay makapapasok sa langit. Sila’y nakikinig kay Juan at nagpapabautismo sa kanya. Sumusunod din sila sa mga itinuturo ni Jesus.

Kayo naman? Sumusunod ba kayo sa mga utos ng Diyos at ng Simbahan sa salita lamang? O kayo rin ba ay gumagawa o kumikilos nang ayon sa inyong sinasabi? Ipinakikita n’yo ba ang inyong pagtalima o pagsunod sa pamamagitan ng gawa?

Pagnilayan ang inyong sarili at ang istilo ng inyong pamumuhay batay sa liwanag ng Ebangelyo sa araw na ito.

ANAK

DIYOS

LUMAPIT

NGUNIT

PARISEO

SAN MATEO

SINASABI

SUMUSUNOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with