^

PSN Opinyon

Dapat bang mag-resign si Bernardo?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
KUNG ang mga kuwago ng ORA MISMO ang tatanungin tungkol sa performance ni BOC Commissioner Antonio Bernardo dapat sigurong magbitiw na ito sa kanyang puwesto porke hindi pala nito kayang sugpuin ang smuggling operations sa Customs kung ang interview niya sa Malacañang ang pagbabasehan.

Sabi raw ni Bernardo hindi raw niya kayang pigilan ang smuggling activities sa mga customhouses dahil hindi naman daw nakapangalan sa mga ito ang mga epektos na ipinapasok nila sa bansa. Ang mga alipores lamang nila ang gumagalaw para makalabas ang shipments kaya’t mahirap kapain? Sino ba ang nakikinabang sa intelligence funds ng BOC? Just asking?

Iwas pusoy si Bernardo kaya sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ayaw niyang masisi. Kapag ganito siguro ang palusot ng isang taong gobyerno mas mabuti pang umalis na siya sa kanyang trono.

Imposibleng hindi kakilala ng mga taga-customs ang mga taong gumagawa ng palusot kasi matagal na nila itong na-profile kaya nga alam na alam nila ang mga fly-by-night brokerage at kung sino ang mga tirador nito. ISAFP bossing Victor Corpuz, Sir.

For into value-value ang pinag-uusapan sa Customs ngayon kapag may transaksyon dito. Ina-undervalued ang tax. Hindi ba, Atty. Bernardo, Your Honor?

At kung may mga palusot tulad ng misdeclaration kunwari mga bigas, asukal, etcetera, iyan ang malalim na operasyon sa bureau pero sa ganitong sistema tiyak naman alam ito ng isang kamoteng collector kung saan ibabagsak ang mga nasabing epektos.

"Walang naging Customs Commissioner sa Aduana na hindi bumantot ang pangalan nang umalis dito?" sabi ng kuwagong manunulsi ng sako.

"Bakit?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Sinisiraan sila ng mga gagong empleado."

"Sala sa init, sala sa lamig ang Customs. Maghigpit ka, problema sa collection. Magluwag ka, lolokohin ka sa collection."

"Ano ang mabuting gawin?"

"Tuluyan ang mga hunghang. Sa ibang ahensiya ng gobyerno paiimbestigahan ang mga kamoteng nangamote para hindi maluto ang kaso."

"Sa history ng Customs itanong mo kung may nanalong kaso ang gobyerno laban sa mga kamoteng kinasuhan dito."

"Wala ba?"

"Itanong mo sa kanila."

"Eh dapat bang magbitiw si Bernardo?"

"Iyan ang itanong mo sa kanya, kamote."

ANO

BAKIT

BERNARDO

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

CUSTOMS COMMISSIONER

VICTOR CORPUZ

YOUR HONOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with