Ang mga anak umano ni Tata Poloniong ang gumastos sa remodelling.
Ito ang tinatawag ng mga anak kong modernisasyon at pag-unlad, reklamo ni Tata Poloniong. Pinagkolehiyo ko sila at ito ang napala ko. Pangit na raw ang bahay namin. Nakakahiya na raw.
Hindi naman nagbago ang loob ng bahay. Ang narrang tokador na may malaking salamin at aparador ay magkatabi pa rin. Sa loob ng aparador, makikita ang mga damit-panlakad. Ang mga larawan ay nakaipit naman sa salamin.
Sa dingding ay nakasabit pa rin ang mga naka-kuwadrong diploma sa high school at sertipiko. Isang malaking larawan ng pamilya ang palamuti sa gitna ng salas.
Hindi naman nagbago ang mga bintana, sabi ko.
Yan na ang susunod na babaguhin. Gusto nila ay may rehas na bakal. Hindi magtatagal at magmimistula na itong bilangguan.
Kalungkutan ang mababakas sa tinig ni Tata Poloniong dahil sa pagkakabago ng bahay.
Isa itong pugon at hindi bahay. Dapat gawin tayong bibingka. Sabi pa at itinuro ang yerong bubong na naghahatid ng init.
Hanggang sa marinig namin ang boses ng asawa ni Tata Poloniong. Hoy Poloniong, alagaan mo na lang ang bukid at akong bahala rito sa bahay."
Kita mo na ang pang-aapi sa akin, may halong biro na wika ni Tata Poloniong. Halika na sa bukid Doktor at doon tayo magkuwentuhan.
Bumaba kami ng bahay. Napuna ko na wala na rin ang kawayang hagdan at pinalitan na iyon ng kahoy.