^

PSN Opinyon

Ginagasgas ang pangalan ni Mike Arroyo sa Mindoro Occidental

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MUKHANG ginagamit ng mga kamoteng opisyal ng DPWH-Mindoro Occidental District Office ang pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo sa kanilang mga kagaguhan. Pinalulutang ang name ni Tata Mike sa bawat pangungurakot sa transaksiyong ginagawa nila kasi daw may basbas ito.

Ibinulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na nagpista ang mga kamoteng nagsabwatan sa pangunguna ni James Dean porke protektado raw sila ni Tata Mike sa mga kabulastugang ginagawa nila sa nasabing probinsiya?

Isinasangkalan pa ni James Dean na may pitsang natatanggap ang Department of Budget and Management sa kanilang kagaguhan? DBM Secretary Emilia Boncodin, take note, Your Honor.

Pero may subpoena na pala ang tanggapan ng Ombudsman sa nasabing anomalya na kinasasangkutan ng mga alipores ni James Dean kaya lang mukhang humingi ng tulong sa sno-pek gang ang mga ito para retokehin ang kanilang mga dokumentong kinamote.

Ang anomalya ay hinggil sa juggling of funds, road right of way/widening at ang sinasabing by administration porke lahat ng requirements daw sa bakal ay overpricing. P7,000 to P8,000 ang bakal na mabibili na ginagamit ng mga hunghang pero pinalalabas nilang 24,000 ang bawat isa nito. Magkano ang nasa bulsa? Senator Loren Legarda-Leviste, take note.

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na walang kinalaman si Tata Mike sa kagaguhan ng grupo ni James Dean. Ika nga ginagamit ang pangalan para pang-pauga upang makakurakot.

‘‘Sa palagay mo ba nagkakahetot-hetot ang grupo ni James Dean?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Hindi pa raw porke may kasangga raw sila,’’ sagot ng kuwagong kotong cop.

"Si Rudy Fernandez ba ng kasangga ang kasangga nila?’’

‘‘Hindi si Rudy. Sitcom naman iyang sinasabi mo eh.’’

‘‘Eh sino ba?’’

"Si Tata Mike nga raw?’’

‘‘Naku, tiyak kong may paglalagyan sila kay Tata Mike kapag nalaman ng taong ito na ginagasgas ang pangalan niya.’’

‘‘Sigurado iyan kamote porke kalaboso ang pupuntahan nila.’’

‘‘Sana mapabilis.’’

"Ombudsman ang bahala diyan, kamote.’’

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JAMES DEAN

MINDORO OCCIDENTAL DISTRICT OFFICE

SECRETARY EMILIA BONCODIN

SENATOR LOREN LEGARDA-LEVISTE

SI RUDY FERNANDEZ

SI TATA MIKE

TATA MIKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with