^

PSN Opinyon

Kailangan din ng caregivers

SAPOL - Jarius Bondoc -
KUNG kulang nang 500,000 nurses sa America, Europe, Australia at Middle East, daan-libo rin ang kailangang caregivers. Ito ‘yung mga nursing aide sa ospital at taga-alaga ng matatanda’t bata sa retirement homes at day-care centers. Problema lang, di tulad ng organisadong pagre-recruit ng daan-daang nurses, paisa-isa ang paghahanap ng caregivers. Kaya, di tulad ng sa nurses, walang recruitment agencies na umaasikaso sa caregivers. Walang accredited recruiter ang POEA.

Ang pinaka-madalas na pinupuntahan ng caregivers ay Canada at Israel; minsan US. Inaabisuhan ng mga Pinoy doon ang mga kaibigan at kamag-anak kung may job opening. Kadalasan, tinatanong sila ng amo sa opisina o bahay kung may kilalang handang mag-alaga ng lolo o lola, kung minsan ay pre-schoolers ng working couples. Sagot agad siyempre ng mga OFW ay huwag mag-alala at ihahanap sila.

Mabigat ang trabahong caregiving. Taga-paligo’t bihis sa alaga, taga-bigay ng gamot at pagkain, taga-pasyal at kung ano-ano pa. Yaya kumbaga. On-call ano mang oras ng araw o gabi, kaya stay-in. Half-day lang kada linggo ang off.

Pero okey na rin ang suweldo: $1,500-$2,000 ang starting, at may umento kung natuwa ang amo. Pakain at patira sa bahay, sagot na rin ang basic needs tulad ng sabon o damit. Kasama sa biyahe kung minsan.

Ang pinaka-matindi, ‘yung amo ang sumasagot ng eroplano’t visa, pati permanent residency o immigration papers.

May mga accredited training centers ang TESDA sa caregiving. May takdang bilang ng oras ang kurso, naglalaro sa P7,000-P17,000, depende sa ganda ng facilities.

Tinuturo sa centers ang mga paraan at estilo ng pag-aalaga. Pero napaka-importante ay pagsasanay sa Ingles. Bihasa ang Pilipino mag-Ingles, pero sa kapwa Pilipino rin. Hirap silang intindihin ang Ingles sa Canada, US o Israel, kaya madalas ay bagsak sa exams. Para masanay, manood ng English shows sa telebisyon, miski cartoons.

BIHASA

HIRAP

INAABISUHAN

KADALASAN

KASAMA

KUNG

MIDDLE EAST

PERO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with