'Sugat sa leeg' ni Lina lumalaki dahil kina Sulpico, Sioson at Sandoval
September 23, 2002 | 12:00am
NAGSARA ng negosyo ang hari ng racehorse bookies king ng Manila na si Oscar Simbulan alyas Boy Abang at marami sa hanay ng ating kapulisan ang natuwa maliban sa mga bataan ni Western Police District (WPD) director Pedro Bulaong. Natuwa sila mga suki dahil sa pagsara ni Boy Abang, marami sa kanila ang nag-takeover sa mga puwesto nito at presto
may konting pagkakakitaan na ang mga tiwaling miyembro ng ating pulisya.
Kaya naman nalungkot ang mga bataan ni Bulaong ay dahil imbes na diretso nilang makuha ang intelihensiya kay Boy Abang, sa ngayon mag-iikot pa sila. Ang ibig kong sabihin mga suki, dagdag gastos sa gasolina sila. At ang dalawang pulis na kasalukuyang nagsasaya sa pagsara ni Boy Abang ay sina PO2 Ferdie Sulpico at SPO1 Bong Sioson.
Ayon sa mga pulis na nakausap ko, itong si Sulpico ang pumalit sa mga puwesto ni Boy Abang sa Paco, San Andres at Sta. Ana at si Sioson naman ang humalili sa halos buong Tondo na. May sibilyan naman na alyas Peling ang pumalit sa maraming puwesto ni Boy Abang at nasa likod ng operasyon niya ay si SPO1 Arnold Sandoval, anang mga pulis na nakausap ko. Ibubulgar ko ang mga puwesto ni Peling sa susunod na mga araw.
Matatandaan mga suki na itong si Sulpico ang dahilan kung bakit bumaba ng dalawang guhit ang ranggo ni Supt. Marcelino Pedrozo, ang dating hepe ng General Assignment Section (GAS) ng WPD. Inaresto kasi ni Pedrozo ang limang tauhan ng Task Force Jericho na nangongotong sa ama ng dalawang personnel ng karera na kanilang naaresto kayat hayun naparusahan siya ng National Police Commission (Napolcom) na sa ilalim ng pangangasiwa ni Interior Secretary Joey Lina.
Si Sulpico kasi ang kumausap sa ama ng bata sa cellphone at napagkasunduan nga ang halagang P10,000 para sa pag-release ng mga bata. Ayon sa mga pulis na nakausap ko, itong sina Sulpico at Sioson din ang umiikot sa Kamaynilaan para ikolekta ng weekly intelihensiya ang opisina ni Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho.
Si Sandoval naman ang umiikot para sa isang Maj. Gabriel din ng Jericho. Ang tanong na umiikot sa ngayon sa mga police stations sa Maynila, paano nasabi ni Secretary Lina na nagiging tagumpay ang kampanya niya laban sa ilegal na sugal kung mismong ang mga bataan niya tulad nina Sulpico, Sioson at Sandoval eh nasa likod din ng operation ng mga ito? Itong sina Sulpico, Sioson at Sandoval ang dahilan kung bakit ang masa ay ayaw maniwala na seryoso nga itong si Lina na patigilin ang pasugalan sa buong bansa sa loob ng isang taon.
Lampas limang buwan na ang kampanya ni Lina subalit bukas pa ang jueteng at anumang uri ng sugal sa bansa, anang mga pulis na nakausap ko. Ibig sabihin lumalaki ang sugat sa leeg ni Lina habang patuloy ang operation nina Sulpico, Sioson at Sandoval. Siguradong gagamit ng dummy itong sina Sulpico at Sioson para maiwasan ang bintang ng kapwa nila pulis kapag nabasa nila ito. Para maniwala ang sambayanan sa sinseridad mo Sec. Lina Sir ipahuli mo itong mga puwesto nina Sulpico, Sioson at Sandoval. Alam ng mga bataan ni Bulaong kung saan ang mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended