^

PSN Opinyon

Ampalaya, saluyot at iba pang halamang gamot

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa pinakamayaman sa Bitamina A at B ay ang ampalaya. May taglay din itong iron, calcium at phosporous na kailangan sa development ng kalamnan at buto na mahalaga sa mga buntis, anemic at diabetic. Mabisa rin ang ampalaya na pampurga. Ang katas nito na hinaluan ng langis ay panggamot sa sugat, kagat ng lamok at iba pang insekto.

Ang mga Ilokano ay mahilig kumain ng saluyot. Marami itong taglay na bitamina at mineral. Ang saluyot ay pampalakas at pampabata gaya ng malunggay, sili at mustasa.

Bukod sa pagiging mabisang herbal medicine, ang bawang, petsay, letsugas, kulitis at kamatis ay mabisa ring insect repellant. Nagpapalayas sila ng insekto.

Ang okra ay isa sa mga fiber food na kailangan ng katawan. Gamot ito sa ubo, namamaga at nangangating lalamunan. Isang tasa ng nilagang okra ay may 100 porsiyento ng folic acid na mayaman sa phosporous. Ang katas ng nilagang okra ay pang-alis ng kati likha ng kagat ng lamok at iba pang insekto. Sa Thailand ang okra ay pagkaing pampalakas ng puso at mainam na gamot sa sakit sa tiyan.

BITAMINA A

BUKOD

GAMOT

ILOKANO

ISANG

MABISA

MARAMI

NAGPAPALAYAS

OKRA

SA THAILAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with