^

PSN Opinyon

Hindi ibinalik sa dating posisyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Guiller ay isang Forestry Supervisor III sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 1986 plantilla sa mahigit na 27 taon na. Noong Hulyo 10, 1987, nag-isyu ang DENR ng Executive Order No. 192 na nagsasaad ng isang reorganisasyon. Sa takot na mawala sa kanyang posisyon, napilitang tanggapin ni Guiller ang posisyong Senior Executive Assistant 1, mas mababang posisyon na may katulad na termino na magtatagal hanggang Disyembre 31, 1991. Sa kabilang banda, nagsampa ang mga kasamahan niya ng petisyong Prohibition at Mandamus upang pigilan ang pagtatanggal sa kanilang serbisyo.

Nagprotesta si Guiller sa Civil Service Commission ukol sa paghirang sa kanya sa mas mababang posisyon. Inayunan ang kanyang protesta at nataas siya bilang Forestry III. Bago pa man siya magsimula, nakatanggap siya ng isang abiso mula sa DENR na nagsasaad na natapos na ang kanyang serbisyo epektibo Disyembre 31, 1991.

Dahil dito, sumama si Guiller sa petisyong Prohibition at Mandamus. Noong Setyembre 10, 1993, inayunan ng Korte ang petisyon at kinilala ang pamamagitan ni Guiller dito. Ayon din sa order, dapat ibalik ng DENR ang mga empleyado sa dati nilang posisyon pati na ang dating mga benepisyo. Dapat ding mag-isyu ang DENR ng mga regular at permanenteng posisyon akma sa mga posisyon ng 1986 plantilla.

Nabalik ang mga kasamahan ni Guiller ngunit siya ay hindi. Ayon sa DENR, hindi saklaw ng desisyon ng Korte ang kaso ni Guiller. Sa pagtanggap niya ng permanenteng posisyon, naiba ang kanyang status. Tama ba ang DENR?

Mali. Ang paghahanap at pagtanggap ng bagong empleyo ay isang pangangailangan at hindi isang opsiyon. Sa takot na mawalan ng trabaho at magutom ang pamilya, napilitan si Guiller na tanggapin ang mas mababang posisyon kahit na may katulad na termino. Hindi maaaring ipagkait ang isang karapatan upang salungatin ang kanyang terminasyon.

Bukod pa dito, ang paghahanap ng ibang empleyo ay hindi hadlang sa pagkakabalik ng isang ilegal na dinismis na empleyado. Hangga’t hindi pinal ang isyu ukol sa pagbabalik ng isang empleyado na dinismis ng ilegal, maaari pa rin siyang makapagtrabaho sa iba kahit na sa ibang bansa. Hindi apektado ang kanyang karapatan upang muling maibalik sa dating posisyon. (Salvador vs. Court of Appeals, et. al. G.R. No. 127501, May 5, 2000).

vuukle comment

AYON

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

DENR

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DISYEMBRE

EXECUTIVE ORDER NO

GUILLER

ISANG

POSISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with