Poachers parusahan
September 17, 2002 | 12:00am
BUTI na lang hindi napalaya ni Foreign Sec. Blas Ople ang 122 poachers na Tsino na nahuli sa Palawan. Gusto niya iregalo ang 122 pagbisita sa Manila ni Li Peng, chairman ng National Peoples Congress. Pero ayaw pakawalan ng Navy ang mga Tsino dahil may kaso na sa Korte. At giniit din ni Justice Sec. Hernando Perez na dapat magmulta ang mga salarin.
Dati-rati, pinalalaya agad ng Pilipinas ang nahuhuling poachers sa Kalayaan Isles. Bahagi kasi ito ng disputed Spratly Group, na inaangkin ng Tsina bilang Nansha Chain. Para walang gulo, pinagbibigyan na lang.
Pero ang 122, hindi sa Spratlys nahuli, kundi sa Tubbataha Reef. Inner waters na ito ng Pilipinas, sa Sulu Sea sa gitna ng Palawan, Negros at Zamboanga. Walang kaduda-dudang teritoryo ito ng Pilipinas.
Abusado talaga ang 122. Karamihan sa kanila ay repeat offenders; dalawa o tatlong beses nang nahuli sa Tubbataha kung saan miski mga Pilipino ay bawal mangisda. National marine preserve kasi ang lugar at UN World Heritage Site rin. Matindi ang patrolya ng Marines at Coast Guard doon para hindi masira ang kalikasan.
Nahulihan ang 122 ng dalawang dolphin na buhay. Ipapain sana nila sa pating, na kukunan lang ng palikpik para shark-fin soup. Marami ring pawikan, at isdang mameng at lapulapu. Balde-baldeng cyanide at kahon-kahong dinamita ang nakuha sa apat na barko. Nilalason at sina-shock nila ang isda para tihayang lumutang. Walang pakundangan sa corals kung saan nangingitlog, nanginginain at lumalaki ang isda.
Matindi ang parusa sa poaching: $2,000 hanggang $20,000 bawat isa, depende kung ilang beses nang nahuli. Kumpiskado rin ang barko para ipagamit sa Bantay-Dagat. At anim na buwan hanggang anim na taon na kulong, depende sa tindi ng ninakaw sa kalikasan.
Nahuli kasama ng 122 ang 14 na menor de edad. Pinalaya na sila ng Pilipinas on humanitarian grounds. Yung 122, mula Enero hanggang Mayo pa nakapiit. Puwede nang palayain ang mga naunang nahuli kung papayag ang judge sa mababang sentensiya. Pero dapat magbayad sila ng multa. Sa China nga, bitay ang parusa sa paghuli ng rare panda bear.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended