Pagyamanin ang kultura at sining
September 13, 2002 | 12:00am
ANG Pilipino ay may malikhaing diwa. Makulay ang ating kasaysayan na nag-uugat sa maalab na pagmamahal sa Inang Bayan at itoy makikita sa sining at kultura ng bansa. Ito ang ipinahayag ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na nanguna sa pagbubukas ng Pinoy Art, Alay sa Kababaihan, isang benefit art exhibit ng Lakas Kababaihan ng Marikina. Itinampok ang mga painting ng Angono artists gayundin ang Greenhills Artist Group na ginanap kamakailan sa Penthouse, Tektite East Tower, Ortigas Center, Pasig City.
Ang Art exhibit ay inihanda at pinamahalaan nina Leila S. Salgado, Cora Manienbo at Bing N. Joaquin ng Global Planners Inc. Ang mga dumalo ay sina Marikina Mayor Maria Lourdes Fernando, Margie Moran Floirendo, Edward L. Fereira, Emiliano Gatchitorena, Natalie Palanca, Carmen Flore, Merle Villacorta, Felix Allegre III, Cherie Pie Peña at Mary Rosebud Ong.
Ilan sa mga hinangaang obra maestra ng mga pintor ay ang Lucban Festival ni Jose Pitok Blanco, Buhay sa Nayon at Tabing-ilog ni Glen Blanco; Madonna ni Ovideo F. Espiritu, Jr.; Mag-ina ni Charlie Val; Market Place at Field of Flowers ni Marinette Ortigas at Window ni Johnny Ventosa.
Sanay marami pang ganitong art exhibit ang itanghal. Isang paraan para ang ating sining at kultura ay mapagyaman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended