P5-M kapalit ng approval sa pagbubukas ng gas station sa mga expressway
September 10, 2002 | 12:00am
ALAM nyo bang hinihingan ng P5-milyon ang mga negosyanteng gustong magtayo ng gasoline station sa North at South Luzon Expressway?
Ayon sa aking bubuwit 107 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Mrs. Jennete Lista from Vice Admiral Reuben Lista, Commandant ng Philippine Coast Guard; Josie Almario ng COA; Jonalyn Urbano at Rod Mateo ng Pasig City.
Alam nyo bang napakamahal ngayon ang magbukas ng gasoline station sa North at South Expressway?
Ayon sa aking bubuwit, bago pala mabigyan ng permit para makapag-bukas ng gasoline station ay kailangan munang sumuka ng P5-milyon.
Hayop din naman ang ilang opisyal ng Philippine National Construction Corp. (PNCC) ano? Ang sisiba naman ang mga hinayupak na yan? Habang tumatagal ay pataas nang pataas ang hinihinging lagay ng mga corrupt officials sa PNCC.
Noong nakalipas na administrasyon, ang hinihingi ay P3 milyon subalit ngayon ay ginawa nang P5-milyon.
Paging Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) Chairman Dario Rama.
Ayon sa aking bubuwit, ang nakakatuwa sa ilang opisyal sa PNCC, sila-sila ay nagkakaroon ng pag-aaway. Hindi kasi maganda ang hatian ng kanilang mga kinukurakot.
Meron palang mga tuso sa PNCC kaya nag-i-squeal yung ibang opisyal sapagkat maliit lamang ang ibinibigay na share.
Madam President Gloria Macapagal-Arroyo, dapat nang sibakin at kasuhan ang ilang matataas na opisyal diyan.
Ang mga corrupt officials sa PNCC ay hindi malayong magaya sa ilang opisyal naman ng Bureau of Customs na kamuntik nang magbarilan dahil naman sa hindi parehas na partehan ng kanilang dilihensiya.
Kaya pala napapabayaan na ang pangunahing trabaho ng PNCC na ayusin ang mga sira-sirang bahagi ng North Luzon Expressway ay dahil iba ang kanilang pinagkaka-abalahan.
Ayon sa aking bubuwit, P5 milyon talaga ang hinihingi ng ilang opisyales ng PNCC sa mga aplikante ng gas station sa mga Expressway.
Grabe talaga ang ilang opisyal sa PNCC, meron na nga silang kanya-kanyang raket sa construction, agency at mga supplies, nangingikil pa sila!
Kaya pala gusto nang mag-rally ang mga miyembro ng PNCC Employees Union laban sa kanilang mga opisyal ay dahil hindi na nila masikmura ang mga anomalya.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga nangingikil ng P5-milyon kapalit ng approval sa pagtatayo ng gas station sa North at South Expressway ay sina
Abangan ang susunod na kabanata ng Balitang Special.
Ayon sa aking bubuwit 107 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Mrs. Jennete Lista from Vice Admiral Reuben Lista, Commandant ng Philippine Coast Guard; Josie Almario ng COA; Jonalyn Urbano at Rod Mateo ng Pasig City.
Ayon sa aking bubuwit, bago pala mabigyan ng permit para makapag-bukas ng gasoline station ay kailangan munang sumuka ng P5-milyon.
Hayop din naman ang ilang opisyal ng Philippine National Construction Corp. (PNCC) ano? Ang sisiba naman ang mga hinayupak na yan? Habang tumatagal ay pataas nang pataas ang hinihinging lagay ng mga corrupt officials sa PNCC.
Noong nakalipas na administrasyon, ang hinihingi ay P3 milyon subalit ngayon ay ginawa nang P5-milyon.
Paging Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) Chairman Dario Rama.
Meron palang mga tuso sa PNCC kaya nag-i-squeal yung ibang opisyal sapagkat maliit lamang ang ibinibigay na share.
Madam President Gloria Macapagal-Arroyo, dapat nang sibakin at kasuhan ang ilang matataas na opisyal diyan.
Ang mga corrupt officials sa PNCC ay hindi malayong magaya sa ilang opisyal naman ng Bureau of Customs na kamuntik nang magbarilan dahil naman sa hindi parehas na partehan ng kanilang dilihensiya.
Grabe talaga ang ilang opisyal sa PNCC, meron na nga silang kanya-kanyang raket sa construction, agency at mga supplies, nangingikil pa sila!
Kaya pala gusto nang mag-rally ang mga miyembro ng PNCC Employees Union laban sa kanilang mga opisyal ay dahil hindi na nila masikmura ang mga anomalya.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga nangingikil ng P5-milyon kapalit ng approval sa pagtatayo ng gas station sa North at South Expressway ay sina
Abangan ang susunod na kabanata ng Balitang Special.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended