^

PSN Opinyon

Basura

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Randy Jacob Herras -
ISA sa mabigat na suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang problemang dulot ng basura. Hindi lingid sa ating kaalaman na mula nang maganap ang trahedya sa Payatas dumpsite, na ikinamatay ng marami nating kababayan ay nagresulta sa tuluyang pagpapasara sa operasyon nito. Ito ay labis na nagdulot ng malaking suliranin at palaisipan sa mga kinauukulan kung saang lugar itatapon ang tone-toneladang basura mula sa Metro Manila.

Subalit, hindi ito dito natatapos, sakali mang mabigyan ito ng kaukulang lunas nariyan pa rin ang patuloy na pagbaha sa iba’t ibang lugar, kasabay ng mabilis na paglaganap ng iba’t ibang sakit gaya ng cholera, amoebiasis at sakit sa baga na dulot ng maruming tubig at hangin.

Nais ko pong ipabatid na isa sa mga dahilan ng patuloy na pagbabaha lalung-lalo na sa kasagsagan ng ulan ay bunga ng mga tambak na basura sa mga baradong estero’t kanal. Samantalang ang mabilis na paglaganap naman ng mga sakit ay bunga ng mga katas ng basura na humalo sa mga linya ng tubig, na nagresulta sa pagkaka-kontaminado nito. Habang ang mabaho at maruming amoy naman ay sumasama sa hangin na nagiging dahilan ng polusyon.

Dahil dito, hinihikayat ko ang mga kababayan na ugaliin ang tamang pagtatapon at pangangalaga ng ating basura o ‘‘proper waste management’’ gaya ng pagre-recycle, pagde-decompost sa mga nabubulok na bagay na maaaring gawing pataba, at higit sa lahat ay ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang lugar upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t ibang sakit, at nang mapanatili natin na malinis ang kapaligiran upang mapangalagaan ang ating kalusugan.

ATING

BASURA

DAHIL

HABANG

METRO MANILA

PAYATAS

SAMANTALANG

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with