^

PSN Opinyon

Video karera sa Pasay inilalatag ng pulis na si Pura

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MATAPOS ang halos isang taong pamamahinga, naglatag na naman ng mga makina ang mga matitigas ang ulong operators ng video karera sa Pasay City. Ang masama niyan mga suki, ang pagbabalik umano ng makina sa iba’t ibang sulok ng siyudad ni Mayor Peewee Trinidad ay may basbas ng City Hall detachment, Special Operations Group at ng mga hepe ng presinto ng lokal na pulisya. Ano ba ’yan?

Pero nais kong linawin na walang kinalaman dito si SPO4 Lando Carbonnel, na bata ng dating hepe ng pulisya na si Supt. Eddie de la Cerna. Si Carbonnel kasi ay naupakan ko noong kainitan ng expose natin sa VK machines sa Pasay City at mukhang naapektuhan ang pagreretiro niya sa taong ito. Lilinisin ko ang pangalan niya para naman makapagpahinga na siya at ang kanyang pamilya nang matiwasay.

Isang pulis na alyas Pura umano ang nasa likod ng panibagong pagkalat ng makina sa Pasay City, anang mga pulis na nakausap ko. Mukhang matigas itong si Pura dahil inilatag niya ang kanyang mga makina sa kainitan ng kampanya ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., na linisin ang hanay ng kapulisan. Binigyan kasi ng blanket authority ng National Police Commission (Napolcom) si Ebdane para linisin ang pulisya sa mga scalawags o rogue cops. At sa pagkaalam ko, nagtatag din itong pamunuan ng Southern Police District (SPD) ng 8-man team na pinangungunahan ng isang major para habulin ang mga pulis na gambling lord o nakapatong sa mga illegal na pasugalan. Si Pura kaya ang unang tatamaan?

Nagpadala na ako ng espiya sa siyudad ni Mayor Trinidad para alamin kung saang lugar nakapuwesto ang mga makina ni Pura at mga alipores niya. Sigurado akong sa lugar na maraming adik naglilipana ang mga video karera machines dahil paborito nilang palipasan ito ng oras. Aalamin ko rin kung bakit nagbulag-bulagan si Mayor Trinidad sa operasyon ng mga makina na ang palaging biktima ay ang mga inosenteng mag-aaral. Imbes kasi na sa eskuwela gastusin ng mga kabataan ang kanilang baon eh karamihan sa kanila ang nagbabakasakali sa video karera. At siyempre, palagi silang umuuwing luhaan dahil may daya ang sugal sa makina.

Kung isasama ni Ebdane sa kanyang paglilinis pati ang mga kolektor sa jueteng, dapat sigurong unahin niya ang mga taga-Task Force Jericho na sina Apacible, Mojares, Cayabyab at Sabare. Isama mo na Gen. Ebdane itong sina SPO1 Arnold Sandoval, SPO1 Ferdinand Sulpico at PO2 Bong Sioson ng Manila police, na ang binabanggit ay ang opisina nina Maj. Gabriel at Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Jericho sa kanilang collection activities.

Kapag naaresto na ang mga binanggit ko, wala akong duda na magbitawan na ang iba pang mga kolektor sa kanilang illegal na trabaho dahil alam nilang sinsero ka sa ginagawa mong sibakin sa tungkulin ang mga rogue cops, Gen. Ebdane Sir.

ARNOLD SANDOVAL

BONG SIOSON

CITY HALL

EBDANE

EBDANE SIR.

FERDINAND SULPICO

MAYOR TRINIDAD

PASAY CITY

PURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with