Kailan ba ang 'big bang' ha Gen. Avenido ng PDEA?
September 2, 2002 | 12:00am
HALOS mag-isang buwan na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nagtatanong na sa ngayon ang mga senador at kongresista kung kelan ang big bang o malaking accomplishment para salubungin ang pagkakatatag nila. Kasi nga mga suki, uso na sa ating gobyerno ang ginagawang pagsalubong ng mga miyembro ng bagong tatag na opisina ng isang napakalaking kaso para naman bongga ang dating nila at matanim sa isipan ng publiko ang kanilang opisina.
Huwag na tayong lumayo pa at gawin nating ehemplo itong Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa ilalim ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. kung saan kaliwat kanan ang accomplishment nila sa kidnaping nitong nagdaang mga araw at ang pinakahuli nga ay ang pagkakapatay kay Faizal Marohambsar, ang lider ng Pentagon kidnap gang sa Magallanes, Cavite. Ang tanong sa ngayon ng mga pulis na nakausap ko kay PDEA Dir. Gen. Anselmo Avenido, hanggang kelan sila mag-aantay ng big bang? Sana malapit na, di ba mga suki?
Pero marami rin sa mga pulis na nakausap ko ang nagsasabing ang mga operating unit noon na tumutugis sa mga Chinese drug pushers ay ayaw sumama sa PDEA. Karamihan sa kanila ay bumalik sa PNP dahil naguguluhan sila sa set-up ng bagong ahensiya laban sa droga. May payo rin ang mga nakausap kong pulis ke Avenido na dapat mahigpit na monitoring ang gagawin niya sa mga drug cases na nai-file na sa ibat ibang Korte lalo na yaong laban sa Chinese drug syndicates.
Nakaaalarma kasi ang biglang pag-quash ng Korte ng search warrant doon sa ni-raid na shabu laboratory sa Lipa City nitong nagdaang mga araw. Nanganganib umanong ma-dismiss ang kaso laban sa mga Tsinong nasa likod ng Lipa City shabu lab kapag hindi natutukan ang kaso, anang mga pulis na nakausap ko.
Mukhang sobra ang lakas ng kapit sa pulitika ni Avenido dahil abot naman ng ating kapulisan na "bata" siya ni Ronaldo Puno ang dating Interior Secretary noong kapanahunan ng nakakulong na si Presidente Joseph Estrada. Totoo ba na ang middle name ng asawa ni dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada ay Avenido rin? Kayo ha, walang malisya ang katanungan ng mga pulis na nakausap ko ha?
Sinabi pa ng mga pulis na ang lahat ng case folder ng mga malalaking kaso sa droga ay nai-forward na sa opisina ni Avenido. Dapat sigurong talasan nila ang pag-monitor sa kaso lalo na doon sa mga sangkot sa ni-raid na mga laboratoryo sa Pasig City, San Juan at Quezon City para hindi naman mapunta sa wala ang mga pinagpaguran nila.
Sa tingin ko naman, masyadong mababaw itong akusasyon na si Avenido ay kamag-anak ng asawa ni Jinggoy at hindi sinsero sa trabaho na tagpasin o patahimikin ang sindikato ng droga sa bansa. Kung sabagay panay na lang summit eh wala namang aksiyon itong PDEA. Ika nga, parang kampanya ni Interior Secretary Joey Lina laban sa ilegal na sugal na panay pananakot eh tuloy pa rin naman ang jueteng.
Hindi dapat gayahin ni Avenido si Lina na kapiranggot lang ang accomplishment eh nagyaya- bang na at taliwas pa ang lumalabas sa bunganga keysa tunay na pangyayari sa kalsada. Kaya mo yan Gen. Avenido Sir. Sa yo ang aking buong suporta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended