Wikang chop-suey
August 30, 2002 | 12:00am
HANGGANG ngayon, tuwing Buwan ng Wika sa Agosto, pinipilit magsalita ng pure Tagalog ang mga bata sa iskuwela. Matagal nang sinaad sa 1973 at 1986 Constitutions na ang Pambansang Wika ay Filipino. Ang Filipino ay halaw sa Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas: Ilocano, Bisaya, Pampanggo, Bicolano, Ilonggo, Waray, Tausog, Maguindanao halos 70 lahat. At may mga hiram na salita rin mula sa Ingles at Kastila.
May mga purista na pinipilit na Tagalog ang Filipino. Naiinis tuloy ang mga taga-Cebu. Kawawa ang school kids sa labas ng Kamaynilaan at Katagalugan. Nagkakabalu-baluktot ang dila sa pagta-Tagalog.
Sa totoo lang, maraming salitang Tagalog na hiram lang din sa Indian at Arabic languages. Ang guro ay galing sa guru (master) sa India. Ang salamat ay halaw sa Arabic na salaam (peace). Kaya lang lumaganap ang Tagalog ay dahil Maynila ang naging seat of government nang 350 taon ng panahong-Kastila at 40 taon ng panahong-Amerikano. Naging melting pot ng kalakal at kultura ang lugar. Nung panahon ng Hapon, ipinag-utos pa ng Imperial Army na palaganapin ang Tagalog sa halip na Ingles na itinuro ng Tomasites. Nagsipagsulat ng Tagalog ang mga manunula, kuwentista at nobelista. Kaya nga tinatawag na Golden Age of Tagalog Literature ang 1941-45.
Ang totoong Filipino ay chop-suey ng mga salita. Leyteño ka nga, pero alam mo ang nakirmet (kuripot) ng Ilocano. Bicolano ka nga, pero alam mo rin ang sisig (pork pisngi) ng Kapampangan. Lalo na kung madalas pumasyal sa Maynila, Cebu, Davao at iba pang melting pots.
Danggit, bay? Dunat, bay? Dili ka makasabot? Naiintindihan natin ang Bisaya miski taga-Bulacan, Laguna o Lanao tayo. Kasi, dugay na sila sa Maynila at nagkakapalitan tayo ng salita sa melting pots. Lami ano, bay?
Meron kaisa-isang salita na kahit saan isla or probinsiya pumunta ay iyon din ang kahulugan sa ibat ibang wika: Utang. Sa Tagalog o Bisaya o Bicolano o ano pa man, ang utang ay utang. Nagkakaiba lang sa halaga.
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended