^

PSN Opinyon

Problema sa mga city jail

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HINDI lamang ang pagsisiksikan at pagkakaroon ng sari-saring sakit ng mga preso sa city jail ang problema ngayon. Sunud-sunod ang mga nangyayaring kaguluhan na sangkot ang mga preso.

Kamakailan ay sumailalim sa red alert ang Quezon City Jail sa madugong labanan ng Batang City Jail at Sigue-Sigue Gang. Apat na preso ang malubhang nasugatan. Ang mga preso ay may mga gamit na sumpak, panaksak na kutsilyo at tinidor, bato at iba pang deadly weapon. Ang ipinagtataka ng Bantay Kapwa kung bakit nagkaroon ng mga sandata ang mga preso? Sino ang nagbigay sa kanila at papaano na-smuggle ang mga sandata?

Matapos ang riot sa QC jail ay nabalita naman ang riot ng mga preso sa Pasig City Jail. Ang jailguard na si Sherwin Gaffud ay tinangkang ihostage ng mga preso. Limang preso ang nasugatan likha ng matatalim na bagay kabilang na ang pinatalim na toothbrush.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, ibayong paghihigpit ang pinatupad din sa Manila City Jail na ang karamihan sa mga preso ay inirereklamo ang walang-patid na pagbaha sa kanilang kulungan lalo na kung tag-ulan.

Kamakailan, walong preso sa WPD Detention Center ang nakatakas. Ang mga tumakas ay nahaharap sa mga kasong robbery at homicide. Ayon sa jailguard na si SPO3 Danilo Jurado sinungkit ang susi ng kulungan ng mga pumugang preso. Marami ang tumaas ng kilay. Ano ang nangyayari sa mga city jail?

vuukle comment

BANTAY KAPWA

BATANG CITY JAIL

DANILO JURADO

DETENTION CENTER

JAIL

KAMAKAILAN

MANILA CITY JAIL

PASIG CITY JAIL

PRESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with