^

PSN Opinyon

Herbert Ocampo, dakilang Pilipino

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAHIGIT isang buwan na ang nakalipas. Pero pinag-uusapan pa rin ng madla ang katangi-tanging kabutihang-asal ni Herbert Ocampo. Nakatataba kasi ng puso si Herbert. Dumami sana ang tribu niya.

Casual waiter si Herbert sa isang otel sa Quezon City. Isang hapon, napulot niya ang bag na naiwan ng customer sa coffeeshop. Laman ay $100,000 cash, mahigit P5 milyon! Hinanap niya agad ang customer at siniguradong maibalik ang pera.

Nabalitaan ng media ang pangyayari. In-interview si Herbert sa TV news. Bakit daw hindi niya sinolo ang pera, lalo na’t por-araw lang siya’t sumusuweldo ng P28 isang oras. E, sa ‘yon daw ang unang naisip niya na tamang gawin. Turo raw ng nanay niya na huwag angkinin ang pag-aari ng iba.

Ni-reward ng otel si Herbert. Binigyan ng gift certificate para sa libreng tanghalian: Adobo na karaniwang mabibili sa employees’ canteen. Inabutan ng P50 na pamasahe. In-interview uli si Herbert sa TV kung ano ang masasabi niya. Galak siya sa ibinigay na reward, hindi naman daw niya inaasahan ‘yon.

Tuwang-tuwa ang ibang customers na nakapanood kay Herbert. Hinanap siya para abutan ng tip. Naging celebrity siya. Ipinatawag siya ni Tourism Secretary Dick Gordon para bigyan ng permanenteng trabaho sa Duty-Free Shop. Tahimik na nag-resign si Herbert sa otel.

Notorious ang otel na iyon sa bad service. Ang bagal i-deliver ng order, kulang-kulang pa ang kubyertos. Notorious din ang paglaganap ng pagka-ganid sa mga Pinoy. Ginagawang katuwiran ang kahirapan para lumabag sa batas, o kaya’y ginagawang laro ang panggagantso sa kapwa.

Sinulat ko ito para dakilain si Herbert at mga katulad niya. Hindi mabibigay ng salita ang mga materyal na pangangailangan ni Herbert: Bahay at lupa para sa pamilya, pera pang-iskuwela ng anak. Pero dapat ipaalam sa madla ang kagandahang-loob niya. Masuwerte ang pamilya niya dahil sa gintong pangalan niya. Pamarisan sana siya.

BAKIT

BINIGYAN

DUTY-FREE SHOP

HERBERT

HERBERT OCAMPO

HINANAP

NIYA

PERO

QUEZON CITY

TOURISM SECRETARY DICK GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with