Hamon ni Gringo kay Crimebuster GMA
August 24, 2002 | 12:00am
SAY ni Sen. Honasan kay President Glo: "Tuluyan ang mga crime suspects na ipiniprisinta sa media."
Korek ka diyan manoy. Maraming sektor ang bumatikos kay Presidente. "Hinihiya" daw niya ang mga taong ipinrisinta sa media gayung hindi pa man nahahatulan o balak pa lang sampahan ng kaso.
Pero nirerespeto natin ang layunin ng Pangulo. Ibig niyang ipakitang may "ngipin" ang hustisya under her watch. Kaya lang, konting ingat next time para hindi ma-Acsa-ya ang magandang layunin.
Tama si Gringo. Kung may ebidensya, dapat uminog ang proseso ng katarungan. Sino man sila. At tiyakin dapat ang isang mabilis na paglilitis para masentensyahan agad ang mga hunghang sa lipunan.
By the way, si Gringo ay pumangatlo sa survey ng Pulse Asia kamakailan sa hanay ng mga senatoriables at nagtamo ng net approval rating na plus 8.
Sabi nga ni Erap: "Walang kumpa-kumpare, walang kama-kamag-anak." Pero hindi naging totoo si Erap sa deklarasyong ito. Bilib akong iba ka, Mrs. President.
Huwag bayaang mangibabaw ang political influence sa ilan sa mga suspects nang hindi ma-white wash ang kaso sa kanila. Mawawalan ng kredibilidad lalu ang Presidente kapag nangyari ito.
Pati yung mga hukom o piskal na sinasabing tumanggap ng suhol ay huwag sasantuhin. Kahit mga unipormado at may estrelya sa balikat ay ikulong o bitayin kung sadyang nagkasala. Oo. Kahit Senador pa o Kongresista. Bastat may ebidensya.
But I repeat, dapat nang maging maingat ang Pangulo sa mga nagsusubo ng impormasyon sa kanya. Baka ang ipiniprisinta niyay hindi naman talagang suspects. Baka mga taong kinaiinisan lamang ng ilang opisyal at gusto silang ipahamak.
Korek uli si Gringo. Mag-ingat sa mga "electrician" na nakapaligid sa iyo, Mrs. President. Yung mga nangunguryente.
Kamakailan lang, isang low-ranking official sa Palasyo ang sinibak mo dahil nagpasa ng "kuryenteng" impormasyon sa mga reporters tungkol sa pagsuko ng isang lider ng notoryus na Pentagon gang.
Mula noon, sunud-sunod pa rin ang mga kuryenteng impormasyon na isinubo sa iyo pero tila wala nang aksyon laban sa kanila.
Kausap ko kamakailan si Sen. Gringo. Aniya, mahina ang intelligence network ng Pangulo kaya siya madalas "ma-kuryente."
Kailangan aniya ay isang epektibong "intelligence and counter-intelligence network. Para nga naman bago pa maiharap ng Pangulo ang isang crime suspect, tiyak na niya nang walang pasubali na itoy talagang puwedeng kasuhan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended