^

PSN Opinyon

Editoryal - Mga 'anay' sa AFP

-
ANG katotohanan sa isiniwalat ni Lamitan parish priest Fr. Cirilo Nacorda na nakipagsabwatan ang militar sa mga bandidong Abu Sayyaf ay dapat magkaroon na ng linaw. Nararapat nang isailalim sa court martial ang mga opisyal ng military na nakipagsabwatan sa mga halang ang kaluluwa. Hindi nararapat sa sandatahang lakas ng bansa ang mga opisyal na hindi tumutupad sa tungkulin. Ang patuloy na pag-iimbestiga kina Maj. Gen. Romeo Dominguez, Col. Juvenal Narcise at Maj. Eliseo Campued ay nararapat lamang. Hubaran ang mga may kasalanan.

Unang pinaputok ni Fr. Nacorda ang pakikipagsabwatan ng militar noong June ng nakaraang taon. Marami ang nagimbal sa isiniwalat ni Nacorda at ang pari ay napaiyak sa tindi ng emosyon. Hindi akalain na ang mga magtatanggol sa kapakanan ng mga civilian ay makikipagsabwatan sa mga teroristang pinamumunuan noon ni Abu Sabaya na lumusob sa Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan.

Sinabi ni Nacorda na hinayaan ng mga tropa ng militar na nasa ilalim ng pamumuno ng tatlong opisyal na makatakas sina Sabaya. Kapalit ng pagtakas ng mga bandido ay ang malaking halaga ng salapi na ibinayad ng isa sa mga hostage bilang ransom.

Itinanggi naman nina Dominguez, Narcise at Campued ang kanilang pakikipagsabwatan. Hindi raw nila maaaring labagin ang sinumpaan sa serbisyo at malinis umano ang kanilang konsensiya.

Ang kasong ito ay dapat magkaroon ng linaw at nararapat lumabas ang katotohanan. Dapat lamang na ipursige ng Senado ang mas malalim pang imbestigasyon sa pumutok na akusasyon. Kung nagkasala ang tatlong opisyal dapat silang parusahan. Hindi nararapat sa sandatahang lakas ang mga "anay" na palihim kung sumira. Kung hindi mapupuksa ang mga "anay" sa AFP tiyak na ang pagbagsak at ang ganap na mapipinsala ay ang bansa.

Hindi pa ganap na durog ang mga bandidong Abu Sayyaf at marami pa silang pipinsalain. At kung may mga opisyal at miyembro ng AFP na sa kanila ay kukupkop hindi na sila magkakaroon ng katapusan. Durugin ang mga "anay" sa AFP at nang mawala rin ang mga bandidong tulad ng Abu Sayyaf.

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

CIRILO NACORDA

ELISEO CAMPUED

JOSE TORRES MEMORIAL HOSPITAL

JUVENAL NARCISE

NACORDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with