^

PSN Opinyon

Pautang sa mga developer

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako at ilan sa aking mga kasosyo sa negosyo ay nagpatayo ng subdivision sa Laguna. Ang target naming kliyente ay mga empleyado ng gobyerno at pribadong kompanya. Maayos naman ang aming mga plano, permit at papeles subalit nagkaroon ng problema dahil kinapos ang aming pondo. Nakapagpatayo na kami ng mahigit 100 bahay subalit hindi pa matapos. Meron bang available financing para sa mga developer? Magkano ang maaaring mautang? Ano ba ang
terms ng loan. Edgardo Sarmiento

May financing na para sa mga developer ng Pag-IBIG Fund, ito ay tinatawag na developmental loan. Ito ay bahagi pa rin ng programa ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay sa pamamagitan ng pagtulong sa mga developers na magpatayo ng bahay sa aspeto ng financing.

Ang developmental loan ay maaaring gamitin sa development ng residential subdivision o pagpapatayo ng pabahay na bibilhin sa pamamagitan ng Pag-IBIG Housing Loan Program. Ang halaga ng maaaring utangin ay depende sa pangangailangan ng proyekto at hindi hihigit ng 40 percent ng production cost o hindi tataas ng P100 milyon (depende kung alin ang mas mababa). Ang interes sa pautang ay base rin sa prevailing market rate sa two-year Treasury Note plus three percent. Ang loan ay babayaran sa loob ng tatlong taon.

Para sa karagdagang detalye at impormasyon, ipadadala ko sa iyo ang primer para sa developmental loan at listahan ng mga dokumentong kailangang isumite sa Pag-IBIG.

ANO

DEAR SEC

EDGARDO SARMIENTO

HOUSING LOAN PROGRAM

LOAN

MIKE DEFENSOR

PAG

TREASURY NOTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with