Editoryal - Corruption sa judiciary
August 16, 2002 | 12:00am
ANG corruption sa bawat sangay ng gobyerno ay hindi na maitatago. Ngayon ay lantaran na ang pamamayagpag ng mga tiwali. Wala nang kinatatakutan sapagkat ningas kugon din naman ang kampanya ng gobyerno. Wala rin namang naparurusahan kahit na gumawa ng kung anu-anong katiwalian. Ang pananakot ng mga namumuno ay hindi nakasisindak kaya walang pag-asa na mabago pa ang kultura ng pangungurakot at pagiging tiwali.
Hindi lamang mga opisyal at empleado ng gobyerno ang nasasangkot ngayon sa grabeng katiwalian kundi pati mga judge. Hindi na ligtas ang judiciary sa corruption. Mas matindi kung gumawa ng kalokohan ang mga judge sapagkat ang involved ay hindi matatawarang halaga ng pera. Ang katapat lamang ng kanilang pinagpipitaganang posisyon ay limpak na salapi.
Maski si US Ambassador Frank Ricciardone ay tahasang sinabi kamakailan na talamak ang corruption sa judiciary at ang problemang ito ang sagabal sa pag-iinvest ng pera ng mga dayuhan. Nagrereklamo umano sa kanya ang mga foreign investor dahil sa grabeng katiwalian.
Marami nang ipinaradang suspect si President Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang at mas matutuwa marahil ang taumbayan kung ang mga "hoodlum in Barong" naman ang kanyang ipaparada. Nagpakita na siya ng katigasan laban sa mga gumagawa ng masama, at bakit hindi niya ito magawa sa mga corrupt na judge. Walang ipupuwera at lahat ay dapat makatikim ng ngitngit ni GMA.
Sa pagsingaw ng galit ni GMA, tatlong judges ang sinampahan ng kaso ng Department of Justice. Ang una ay si Judge Arnulfo Cabredo ng Tabaco, Albay. Pinayagan umano ni Cabredo na makalusot ang isang barko na may kargang smuggled na bigas na nagkakahalaga ng P50 milyon. Ang ikalawa ay si Olongapo Judge Eliodoro Ubadias na hinayaan umanong makalusot ang isang suspected smuggler. Ang ikatlo ay si Pasay City Judge Rodrigo Lorenzo nang palayain umano nito ang anim na Chinese na nahulihan ng shabu.
Talamak ang katiwalian sa judiciary at kung hindi ibabagsak ang tabak sa leeg ng mga corrupt na judge, magiging mahina at kaawa-awa ang bansang ito na mistulang nginangatngat ng anay. Puro corrupt ang nakapaligid kaya hindi umuunlad ang bansang ito. Kung magagawa ni GMA na ubusin ang mga corrupt, baka matupad niya ang pangarap na magkaroon ng matatag na Republika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest