^

PSN Opinyon

Nagdusa sa kagandahan

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
MARAMI ang handang magwaldas ng pera at dumaan sa matinding hirap at sakit maging maganda lamang. Ang iba ay ibig maging "Caucasian" ngunit lalong pumapangit matapos magkaroon ng aberya sa kanilang "cosmetic survery".

Ayon sa ulat ng Time magazine, tumataas ang bilang ng mga gustong magpa-opera at magpaayos ng mukha sa Asya. Ngunit karamihan sa mga bansang ito, kabilang na ang Pilipinas, ay walang batas laban sa mapagsamantalang "cosmetic practitioners". Isang siruhano ang nagbabala na ito’y mistulang bomba na nakaambang sumabog.

Nakaririnig tayo ng mga kaso na kung saan nangamatis ang ilong matapos magpa-"nose lift". May iba naman na nagpatanggal ng mga "eye bags" sa mata pero nagmistulang bugbog-saradong boksingero matapos ang operasyon.

Ang kagandahan ay hindi nasusukat sa pagkatangos ng ilong o pagkarikit ng mga mata. Mas mahalaga ang uri ng ugali at kakayanan ng isang tao kaysa sa panlabas na kaanyuan.

Ang kagandaha’y nawawalay sa paglipas ng mga taon. Ika nga ng isang kanta: "Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay... Mawalay man ang pangit ay di ka iiyak."

ASYA

AYON

HUMANAP

IKA

ISANG

MAWALAY

NAKARIRINIG

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with