^

PSN Opinyon

Sasalpak sa mukha ni Lina ang kaso ng 5 members ng TF Jericho

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TALIWAS sa mga naglalabasang balita, narito ang tunay na dahilan kung bakit nagngingitngit sa galit ang Task Force Jericho ni Interior Secretary Joey Lina kay PO3 Bonifacio Abad, ng CIDG sa Camp Crame. At kayo mga suki ang maghusga kung na-set-up ba talaga ng Manila police itong limang naarestong miyembro ng Task Force Jericho o talagang nahulog sila sa bitag dahil sa kasibaan nila sa pera.

Nag-umpisang magalit itong Task Force Jericho kay Abad nang ibulgar ko ang talamak na ‘‘tong’’ collection activities nina SPO1 Bong Sioson at PO2 Ferdinand Sulpico sa Maynila. Iba raw ang koleksiyon nina Sioson at Sulpico dahil para ito kay Supt. Noel Estanislao, hepe ng Jericho. Ang kinokolekta naman kasi ni SPO1 Arnold Sandoval ay kay Maj. Gabriel dumadaan, ayon kina Sioson at Sulpico.

Sa kasamaang palad, itong si Abad ang pinagdududahan ni Sandoval na nag-leak ng ‘‘tong’’ collection activities nila, anang mga pulis na nakausap ko. Mula nang maibulgar ko ang delihensiya nila, hindi na tinanggapan ng intelihensiya si Abad ng taga-Task Force Jericho. Ang ginawa nila pilit nilang hinahanap ang ‘‘butas’’ ni Abad para ma-raid ito at makaganti sila. Ayon naman sa mga pulis na nakakilala kay Abad, agad nitong ibinigay sa ibang financiers ang kanyang mga puwesto. Alam niya na hindi siya sasantuhin nitong mga benggador na mga bataan ni Lina kaya nagpahinga na lang siya.

Pero hindi napigilan ni Abad ang kanyang anak na si Michelle del Mundo na ipagpatuloy ang pangungubra nito sa bookies sa ibang bangka. Sayang din naman kasi ang kikitain niya para may pandagdag panggastos sa pamilya lalo na sa kanyang nag-iisang anak. At sa kasamaang-palad, nasakote nga ng Task Force Jericho si Del Mundo at ang kanyang kasama na si Rosemarie Martinez noong nakaraang Linggo sa Eloriaga St., San Andres Bukid. Pero hindi dinala ng raiding team na lulan sa isang van at dalawang kotse sina Del Mundo at Martinez sa presinto kundi sa bahay ng isang SPO1 Jesus Acejo sa C. 2448 Iridium St., San Andres.

At dahil naman apat na oras na ay hindi niya mahagilap ang kanyang nawawalang anak, napilitang mag-report si Abad ay Supt. Marcelino Pedrozo, hepe ng General Assignment Section ng WPD. At nahuli nga sa entrapment itong sina Acejo, PO1 Danilo Hamila, PO1 Ricardo Luciano, PO1 Fred Paraon at PO1 Manolito Prado. Nakatakas ang iba nilang kasamahan.

Ayon sa Task Force Jericho, na set-up ang kanilang mga tauhan. Pero may ebidensiya si Abad na hindi kayang i-deny ng taga-Jericho. Ito mga suki ay ang telepono ni Acejo na naka-register sa Caller ID ng telepono ni Abad. Habang nakipagnegosasyon kasi sa pitsa, tumatawag itong si Acejo kay Abad at ang telepono niyang 5617629 ay nakarehistro sa Caller ID ng PLDT. Hindi pa ba sapat na ibidensiya ’yan para patunayan na nangongotong talaga ang mga tauhan mo Sec. Lina Sir?

Sa tingin ng mga pulis na nakausap ko, sasalpak sa mukha ni Lina itong kaso ng limang miyembro ng Jericho. Napatunayan kasi na may umiikot talagang ‘‘tong’’ collectors para ikolekta ang opisina niya at ang Jericho sa mga gambling lords. At maaaring nalusutan ni Lina ang ngitngit ng pitong matataas na opisyales ng pulisya na tinanggal niya sa jueteng. Pero hindi niya akalain na sa isang hamak na PO3 lang siya mapupuwing.

ABAD

ACEJO

ARNOLD SANDOVAL

AYON

DEL MUNDO

JERICHO

PERO

TASK FORCE JERICHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with