^

PSN Opinyon

Problema sa basura ay dapat lunasan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMI nang naging chairman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) subalit nanatili pa ring mabigat na problema ng Metro Manila ang basura.

Batay sa matagumpay na pamamahala ni dating Mayor Bayani Fernando ng Marikina, kabilang na rito ang paglutas sa garbage and flood problems ng Marikina, kaya hinirang siya ni President Gloria Macapagal-Arroyo na maging chairman ng MMDA kapalit ni Benjamin Abalos.

Kilalang action man si Fernando. Bukod sa problema sa traffic ay binibigyan niya ng prayoridad ang problema sa basura ng Metro Manila sa mga panahon ng pagbaha at mga bagyo. Naglibot si Fernando sa Metro Manila at tumambad sa paningin niya ang ga-bundok na problema sa basura saan man siya magtungo. Sa kanyang pagbisita sa mga pumping stations sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Makati, nagulumihanan siya sa bunton ng mga basura na dahilan ng mga pagbaha. Mariin niyang sinabi na ipakukulong niya ang sinumang mahilig na magtapon ng basura sa mga ilog, estero, kanal at daan. Nanawagan siya sa mga mamamayan na makiisa at tumulong sa pagpapatupad ng tamang pagtatapon ng basura.

Sinabi ni Fernando na malaking bagay kung muling mabubuksan ang mga landfil sa San Mateo, Rizal at Carmona, Cavite. Anim na libong tonelada ng basura meron ang Metro Manila bawat araw.

BASURA

BATAY

BENJAMIN ABALOS

FERNANDO

MAYOR BAYANI FERNANDO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with