^

PSN Opinyon

Mga paruparong pulitiko

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MALAKI ang pagkakahawig ng show business at politics. Umiiral ang kontrobersiya, intriga at ang survival of the fittest o matira ang matibay. Sa dalawang kalakaran ay marami ang garapal at makapal ang mukha at lahat ay gagawin makuha lamang ang pansariling adhikain.

Patuloy ang pagiging paruparo ng ilang pulitiko. Parang flavor of the month ang pulitiko na lilipat ng partido. Ilang lider ng oposisyon at mga identified sa kampo ni dating President Estrada ang nasa administrasyon na. Ayon sa ilang political analysts, uso na naman ang political piracy at nagaganap ito dahil sa personal na motibo at malayo sa iginigiit ng ilan na ang paglukso sa ibang kampo ay ginawa bilang patriotismo o pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan at mamamayan. Hindi na kailangan pang pangalanan ang mga pulitikong balimbing. Batid ng taumbayan ang dahilan ng pagiging politikal butterflies nila.

Nakalalamang ang personal interest. May mga tumatanggi sa paratang na sila’y tulad sa mga paruparong dumadapo at sumisimsim sa nektar ng iba’t ibang bulaklak at nagiging salawahan at puno ng pagbabalatkayo.

Maging anuman ang mga naturingang paruparong pulitiko ay huhusgahan sila ng mga taumbayan lalo na ang mga kakandidato sa 2004 presidential election.

AYON

BATID

IBANG

ILANG

NAKALALAMANG

PATULOY

PRESIDENT ESTRADA

PULITIKO

UMIIRAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with