^

PSN Opinyon

Bilihan ng coal para sa Napocor, pinagkakakitaan ng ilang opisyal

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagiging ugat din ng graft and corruption ang importasyon ng coal para sa mga planta ng National Power Corporation?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mr. Boy Nakpil, Victoria Chavez Untalan ng Batangas City, Atty. Edgar Avila, Arlene Salvador, Cathy Ferwelo at Dawn Tolentino ng MGM Communication Services, ang Ad Agency ng Honda Cars Philippines.
* * *
Alam n’yo ba kung bakit madaling masira ang mga planta ng Napocor?

At alam n’yo rin ba kung bakit napaka-grabe ang polusyon na nagmumula sa mga planta ng Napocor?

Ayon sa aking bubuwit, ang pangunahing dahilan ay ang mga substandard na coal na binibili ng nasabing korporasyon mula sa China.

Kaya pala lampas sa limit ng sulfur content ng usok na lumalabas sa mga planta ng Napocor sa Calaca, Batangas; Masinloc, Zambales at Sual, Pangasinan.

Ang mga coal na ginagamit sa mga planta ng Napocor mula China ay mahinang klase.

Dahil mahinang klase, madaling masunog ang metal parts ng mga planta at ang resulta madaling masira. Bukod diyan ay hindi rin episyente ang pag-generate nito ng power.

Ang mga magagandang klase pala ng coal ay ’yung galing sa US at Australia.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kaya naman bumibili ang mga opisyal ng Napocor ng coal mula sa China ay dahil malaki ang tinatanggap nilang komisyon mula sa mga Tsinoy suppliers. Kasi mas mura ang presyo. Umaabot pala ng P10 bilyon ang halaga ng coal na binibili ng Napocor.

Eh kung sa ten percent commission na lang, di ba aabot na ’yan ng P100 milyon?

Dito pala kumita nang malaki si Atong Ang noong administrasyon ni dating President Erap Estrada. Siya pala ang may kontrol sa pagsu-supply sa Napocor ng coal mula sa China.

Pero ngayong wala na si Erap at si Atong, ang paboritong supplier pa rin ay mga Tsinoy.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, matagal nang buking ang ganitong anomalya subalit natatapalan ang ilang opisyal ng Napocor.

Katulad halimbawa nang magkaroon ng Luzon-wide blackout, inatasan ang ilang engineers na alamin ang dahilan.

Sa kanilang report, hindi sabotahe at hindi rin mga bumarang jellyfish ang dahilan. Mahinang klase at nakakasirang coal ang ginagamit sa mga planta.

Sinita ang ilang Chinese suppliers tungkol sa kanilang produktong Made in China. Ang nangyari, nagkape at nag-usap-usap sila sa Manila Peninsula. Makalipas ang ilang linggo, binalewala ang report ng mga engineers.

Pagkatapos niyan ay nagbakasyon ang ilang opisyal ng Napocor sa US at Europa. At hindi lang ’yan, kasama pa ang kanilang pamilya.

Antabayanan ang susunod na kabanata.

AD AGENCY

ARLENE SALVADOR

ATONG ANG

AYON

BATANGAS CITY

CATHY FERWELO

COAL

NAPOCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with