^

PSN Opinyon

Piracy politics nakabuti rin

- Al G. Pedroche -
HOME at last matapos ang isambuwang pamamahinga sa US of A. Bago ako lumisan, ang nag-uuminit na isyu ay ang leadership crisis sa Senado matapos agawin ng oposisyon ang mayorya sa biglang pagpanig ni Sen. John Osmeña sa kabilang kampo.

But as they say, "all’s well that ends well"
at dapat itong ikatuwa ng marami. Bakit? Habang may stalemate sa Senado, nakabitin naman ang mga mahahalagang batas na dapat pagtibayin.

The turnaround of events proved favorable not only to the ruling Lakas party.
Bagaman at may kulay pulitika ang biglang paglipat ng kampo ng dating oposisyunistang si Sen. Robert Jaworski, ang pagtatalaga kay dating Sen. Blas Ople bilang Foreign Affairs Secretary at ang paghirang ng administrasyon kay Sen. Tito Sotto bilang tagapayo sa mga suliraning may kaugnay sa droga, ito’y nakabuti sa operasyon ng gobyerno.

Partikular na inulan ng batikos sina Jawo at Ka Blas. Mantakin nga naman na kamakailan lang ay kritiko sila ng administrasyon, ngayo’y kakampi na. Si Ople na kahapon lang ay tagasalungat ng maraming policy ni Presidente Arroyo, ngayo’y nagsabing ang foreign policy ng Pangulo’y policy niya.

Sabi ni Opposition Senator Edgardo Angara, ito raw ay matatawag na piracy politics sa panig ng administrasyon.

Tanong ng marami, "ganyan ba kadali ng magpalit ng kulay sa pulitika?"

Ngunit sa isang banda, ano ang mapapala ng bayan kung magpapatuloy ang bangayan sa lehislatura? The end result can only be a hiatus where nothing apart from stagnation can be achieved to the detriment of the Filipino people.

Hustong 57-araw na ang bangayang ito sa Senado nang magpatibay ng resolusyon ang mga mambabatas para tapusin ang sigalot na ito na malaking hadlang sa pag-usad ng bansa na punumpuno na ng suliranin.

May mga naglulumarong suspicion sa malikot na isip ng ilan: Ano kayang concession o pabuya ang tinanggap ng mga nagsilipatan sa administrasyon?

Para sa akin, mayroon man o wala, huwag na lang itong isipin. Ang pinakamahalaga’y umiinog nang muli ang makinarya para mapagtibay ang mga mahahalagang batas na kailangan ng ating nahihirapang bansa.

BLAS OPLE

EDGARDO ANGARA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY

JOHN OSME

KA BLAS

OPPOSITION SENATOR

PRESIDENTE ARROYO

ROBERT JAWORSKI

SENADO

SI OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with