Kapag napag-uusapan ang impiyerno ay takot na takot din siya. Hanggang nagka-appendicitis ang magsasaka at kailangang operahan.
Nang siya ay nakahiga, ang naalala ay takot sa ospital at impiyerno sakali siya ay mamatay.
Ang huling bagay lamang na naalala ng magsasaka ay nang turukan siya ng anestisya upang siya ay makatulog.
Naging maayos ang takbo ng operasyon. Unti-unti nang nagbabalik ang malay niya, napagtanto ng magsasaka ang pusikit na kadiliman sa loob ng kuwarto.
Ang mga bintana ay natatabingan ng makakapal na kumot upang matakpan ang lahat ng bagay at tanawin sa labas ng kuwarto.
Nang pumasok ang nurse at naglagay ng isang ilaw sa tabi ng higaan, tinanong ito ng magsasaka, "Bakit sobrang dilim sa loob? Siguro naaaninag ko lang ang ilaw sa labas ng makapal na tabing ng bintana."
Ngumiti ang nurse at sumagot, "Naalala ko ang malaking takot mo sa impiyerno. Mayroong sunog sa labas at ayaw kong gisingin ka at baka isipin mong nasa impiyerno ka."