Ano ba ang terorismo? Sa pagkaunawa ng marami, itoy ang mga karahasang inihahasik ng mga tinatawag na Islamic fundamentalists tulad ng ginawang pambobomba ng mga tauhan ng Al-Qaeda network sa Twin Towers sa New York noong Setyembre 11, 2001.
Sa Pilipinas, higit pa riyan ang terorismo. Hindi lamang ang Abu Sayyaf ang naghahasik ng terorismo sa bansa.
Ang paglaganap ng droga, kidnapping at iba pang mga buktot na krimen ay matatawag ding terorismo. Ang kahulugan ng "terror" ay sindak.
Pati nga ang mga natural na kalamidad tulad ng mga malalaking pagbaha sa ibat ibang sulok ng Pilipinas nitong nakalipas na mga pag-ulan ay naghahatid ng sindak sa taumbayan.
Sa tingin ko, ang mga Pilipino, mayaman o mahirap, matanda o bata ay sinasaklot na ng sindak sa ngayon. Bakit? Kung mayaman ka, matindi ang pangamba mo na baka isang araw ay mabiktima ka ng kidnap-for-ransom gang.
Kung pangkaraniwang tao ka, ang pangamba moy baka ma-holdup ka sa paglalakad mo sa daan o pagsakay sa mga public utility vehicles.
At nakasisindak sa mga kababaihan na ang mga rapists ngayon ay wala nang pinipili. Maganda o pangit, kahit pa otsenta anyos na lola ay puwedeng mabiktima ng mga sex maniac.
Kung magkakaroon man ng batas laban sa terorismo, dapat masaklaw ang mga nabanggit nating bagay na kinatatakutan ng marami nating kababayan.
At kung pursigido man ang administrasyon na maisabatas ang anti-terrorism bill, itoy dapat sa tamang layunin. Hindi para "sumipsip" lamang sa mga Amerikano na siyang nagpapasimuno sa kampanya laban sa pandaigdig na terorismo.
Isa pa, sa tingin koy hindi tayo kapos sa batas laban sa mga buktot na krimen. The real problem is the implementation of the law.
Ang problema sa atin, the more laws there are, the more violations committed.