^

PSN Opinyon

May pera sa pagbababuyan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKOD sa malilibang, malaki pa ring pagkakitaan ng pera ang pag-aalaga ng baboy. Ito ay napatunayan ni Mang Emong ng Laguna. Naisip ni Mang Emong na mag-alaga ng baboy para siya ay malibang at may magawa. Mga tirang pagkain ng pamilya niya ang pinakakain sa kanilang alagang baboy na sa tamang gulang ay pinakasta nila sa barako ng kanilang kapitbahay hanggang sa manganak.

Anim na biik ang iniluwal. Pinalaki nila ang mga biik hanggang sa dumami pa sila. Bukod sa libre na sa karneng baboy ang pamilya ni Mang Emong ibinenta pa nila ang ilang patabaing baboy at sila’y nasiyahan sa kinita nila.

Dito naisipan ni Mang Emong na ang pagbababuyan ay hindi lamang libangan kundi hanabuhay din. Namili sya ng mga biik na nagkakahalaga ng isang P1,200. Inalagaan ang bawat biik sa loob ng limang buwan at naibebenta niya ang bawat baboy sa halagang P2,100.

Inamin ni Mang Emong na gumagastos din siya ng pagkain at bitamina ng mga alagang baboy niya ngunit malaki pa rin ang tinutubo niya kapag naibenta na ang baboy. Sabi niya ang pagbababuyan ay gaya rin ng pag-aalaga sa kanyang mga anak at apo. Nililinisan nila ang banlat o kulungan ng mga baboy na pinaliliguan tatlo o apat na beses bawat araw. Natatawa ang matandang mambababoy nang sabihin niya na mas alaga sa paligo ang mga baboy niya kaysa mga taong bihirang maligo at iyong mga tinatawag na ‘‘dehins goli."

BABOY

BUKOD

DITO

INALAGAAN

INAMIN

MANG EMONG

NAISIP

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with