Ang talinghaga ng elepante at daga
July 20, 2002 | 12:00am
ANG pag-aaway ng elepante at daga ay nagsimula sa isang katawa-tawang sitwasyon. Pumasok ang daga sa ilong ng elepante. Muntik nang mamatay ang elepante dahil hindi makahinga. Galit na galit ang elepante.
Sa kabilang banda, wala namang ingat ang elepante sa paglalakad. Sa maraming pagkakataon, muntikan na nitong maapakan at madurog ang daga.
Isang araw, nahulog ang elepante sa isang malalim na hukay. Walang nagawa ang lakas nito para makaahon sa kinalalagyang hukay. Nang mapadaan ang daga, humingi ito ng saklolo.
Ginoong daga, tulungan mo naman akong makaahon dito sa hukay, pagmamakaawa ng elepante.
Paano? sagot ng daga. Masyado akong maliit para hilain ka.
May isang Mercedez-Benz sa di-kalayuan. Pumasok ka sa loob at imaneho mo palapit sa akin. Tiyak akong may lubid sa back compartment. Sa pamamagitan nito, maaari mo akong hilain gamit ang kotse.
Kahit alinlangan, ginawa ng daga ang hiling ng elepante. Dahil dito, nailigtas ang elepante.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog din sa isang malalim na hukay ang daga. Hindi rin ito makaahon.
Nagkataong dumaan ang elepante, at ito ang pagkakataon ng daga para humingi ng tulong. Ginoong elepante, naalala mo kung paano kita iniligtas? Ngayon tulungan mo rin akong makalabas sa butas na ito. Gamitin mo ang Mercedez-Benz gaya ng ginawa ko para makaahon sa hukay.
Hindi maaari, sabi ng elepante. Hindi ako makapapasok sa loob ng kotse.
Kung ganoon, ibaba mo na lamang ang iyong ilong para makaakyat ako sa ibabaw nito at makalabas dito sa butas. Pangako hindi ako papasok sa butas ng iyong ilong.
Ginawa ng elepante ang pagsusumamo ng daga at nailigtas ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest